Nakikiramay kami sa naiwang pamilya ng yumaong si Don Ramon Revilla Sr., ang tunay na si Agimat sa kanyang kapanahunan sa larangan ng showbiz.
Maraming anak si Don Ramon sa iba’t ibang babae dahil nga sa sobrang kasikatan niya noong nasa showbiz pa siya ay marami ang mga naggagandahang tsiks ang nahumaling sa kanya.
Pero ang mga kilala ko lang ay ang mga anak niya sa unang asawa kabilang si Senator Bong Revilla Jr..
Yung ibang mga anak niya sa ibang girls ay wa ko knows.
Hindi lamang ang buong pamilya Revilla ang nagdadalamhati sa pagkawala ni Don Ramon, dahil napakaraming lumuluhang kaibigan at mga kakilala niya ang apektado sa pagpanaw ng Dakilang Ama ng Cavite na nailibing na kahapon.
Natatandaan ko pa noong nakapiit pa si Bong sa Crame ay pinabilhan niya ang kanyang daddy ng isang van na animo ay isang mini hospital para hindi mahirapan ang kanyang ama sa pagdalaw sa kanya, with two nurses, isang doctor, driver at iba pang alalay.
Ganun kamahal ni Sen. Bong ang kanyang daddy at hindi mo rin matatawaran ang pagiging mabuting anak ni Sen. Bong sa kanyang magulang.
Well, ganun talaga, pag oras na ng paglisan ng sino man sa atin dito sa mundong ibabaw at kapag gusto na ni Lord na bawiin ang pinahiram niyang buhay sa atin ay wala tayong magagawa, we will surrender it all.
Sa iyong paglisan Don Ramon Revilla Sr., paalam, nawa’y maging payapa ka na sa piling ni Papa God. May your soul rest in peace amen!
Franchise ng Kapamilya, nakakalito na ang isyu
Marami sa mga kapitbahay ko ang makukulit at walang katapusan ang pagtatanong patungkol sa franchise ng ABS-CBN kung ito raw ba ay mabibigyan pa ng panibagong kontrata o hindi na.
Well, kayong mga makukulit diyan, mayroon din naman kayong mga telebisyon at radyo. Kung nakakapag-online kayo, aba subaybayan na lang natin ang pagdinig ng Kongreso patungkol sa usaping iyan dahil kahit ako ay hindi ko rin memoryado ang lahat ng mga batas.
In fairness naman sa ABS-CBN ay marami silang naitulong sa akin lalo na sa mga pa-presscon nila ay hindi puwedeng wala ako sa kanilang listahan. Dahil diyan ay hindi po ako basta pwedeng magkomento, parte po iyan ng hanapbuhay ko.
Ayokong makasakit.
Puwede ba ipaubaya na natin iyan sa mga abogado noh!
Huwag n’o akong kulitin dahil lalo niyo ang akong ini-stress! Kasuya kayo hmmpp!
Hahaha. Peace to everyone.