Kontrata suspendido na Piolo, Jericho, Bea, at iba pang kapamilya stars pinayagan nang magtrabaho sa ibang channel

Bea

May offer na kina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Bea Alonzo ang isang big­time producer para gumawa ng teleserye na ipalalabas sa TV5.

Yup, plano diumano ng mayamang producer na mag­ing blocktimer sa TV5. At ang target niyang magbida sa ipo-produce niyang teleserye, ang Kapamilya stars na sina Piolo, Jericho and Bea.

Suspended na ang manage­ment / network contract ng lahat ng talent ng ABS-CBN ayon sa isang source kaya libre na diumano ang mga itong magtrabaho sa ibang network kasama na ang GMA 7 basta magpapaalam lang sila. Wala na rin daw magiging problema sakaling gusto na ring magpa-release ng iba nilang mga artista, dagdag pa ng source. Epekto pa rin ito ng problema ng network sa kanilang franchise na nag-expire last May 4.

Sa kasalukuyan daw ay inaayos na ng manage­ment ang mga tatanggaling trabahador.

Show comments