^

Pang Movies

Tatlong movie icons, magkakasunod na namatay!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Sa buwang ito ng Hunyo, tatlong movie icons ang pumanaw – sina Anita Linda (95) nung June 10, Lilia Dizon  (92) nung June 15 at nitong nakaraang Biyernes, June 26 si Ramon Revilla, Sr. (93).  Labas pa rito ang pagyao ng kilala at prominenteng negosyante na si Eduardo `Danding’ Cojuangco (85) nung nakaraang June 16.

Si Ramon Revilla, Sr. ay Jose Acuña Bautista sa tunay na buhay, ipinanganak nung March 8, 1927 sa mag-asawang Ildefonso Bautista na isang negosyante at Andrea Acuna.

Si Ramon ay bunso sa sampung magkakapatid at kaisa-isang anak nina Ildefonso at Andrea na pumalaot sa mundo ng showbiz. 

Siya’y nagtapos sa Far Eastern University kung saan siya kumuha ng kursong Commerce. 

Nagtrabaho rin siya bilang pinuno ng Secret Service Unit (SSU) ng Bureau of Customs (BC) nung taong 1965.

Taong 1951 nagsimula si Ramon sa pag-aartista  at naging contract star siya ng Sampaguita Pictures kung saan siya nakagawa ng maraming pelikula at kasama na rito ang Cofradia with Gloria Romero in 1953 at ang Balisong with Alicia Vergel in 1956.

Itinatayo ni Ramon ang sariling film outfit, ang Imus Productions, Inc. in 1972 nang kanyang simulan ang pagpu-produce ng sariling pelikula na siya rin mismo ang pangunahing bida tulad ng  Nardong Putik, Pepeng Agimat, Hulihin si Tiyagong Akyat, Anting-Anting, Sunugin ang Samar at marami pang iba. 

Pumasok din siya sa co-venture with FPJ Productions ng yumaong si Fernando Poe, Jr. sa pamamagitan ng dalawang higanteng pelikula, ang Sa Dibdib ng Sierra Madre in 1985 at ang Iyo ang Tondo, Kanya ang Cavite in 1986.

Nakipag-alyansa din ang Imus Productions with Viva Films sa pelikulang Dugong Buhay  in 1983 na siyang naging acting debut ni Ramon `Bong’ Revilla, Jr.

Marami pa siyang ibang solo movies na ginawa.

Binansagang Hari ng Anting-Anting si Ramon dahil sa kanyang mga nagawang pelikula gamit ang anting-anting.

Ang pagiging matagumpay niya bilang lead actor at movie  producer ang siyang naging daan ng kanyang kabi-kabilang investments sa Cavite lalo na pagdating sa mga lupain.

In 1992 ay pinasok ni Ramon ang larangan ng pulitika nang siya’y tumakbo sa pagka-senador na dalawang termino niyang pinaglingkuran until 2004. 

At sa kanyang huling termino bilang senador ay naipasa ang Revilla Law na nagsasaad na puwedeng gamitin ang apelyido ng ama ng isang  bagong silang na sanggol provided ito’y kinikilala ng ama para maalis ang stigma ng isang illegitimate child.

Public knowledge na merong 72 kids si Ramon sa iba’t ibang babae pero sixteen lang ang kilala ng publiko kasama na ang yumaong movie producer at naging mayor ng San Leonardo, Nueva Ecija na si Ramon Bautista (Nicolas Bautista) at si Evelyn Bautista-Jaworski, ang misis ng basketball icon at dating senador na si Robert `Bobby’ Jaworski. 

Pito naman ang naging mga anak ng veteran actor sa kanyang namayapang misis na si Azucena Mortel-Bautista na sina Marlon, Rowena, Bong, Princess, Strike, Andeng at Dianne habang siyam naman ang naging mga anak niya sa dating young actress na si Genelyn Madrigal (Magsaysay) na ang panganay na anak na si Ramgen Revilla ay pinaslang nung October 28, 2011 at dalawa sa mga naging supects ay ang mga kapatid mismo ng pinatay na sina Ramon Joseph at Ma. Ramona who were only 18 and 22 then.

Si Ramon ay huling napanood sa pelikulang Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom in 2005. Ang kanyang itinatag na Imus Productions, Inc. ay ipinagpatuloy ng kanyang mga anak sa pangunguna ni Sen. Ramon `Bong’ Revilla, Jr.

RAMON REVILLA SR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with