^

Pang Movies

Lagi na lang si Edu, Rina Samson, hindi raw naalala sa protesta ni Enzo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lagi na lang si Edu, Rina Samson, hindi raw naalala sa protesta ni Enzo

Ang tweet ni Aurora Pijuan na “It is unfortunate that media has been identifying him as the son of Edu and never mentioned who the mother is, in spite of the fact, he was raised by that lady as a single parent. Rina Samson. You raised him well.”

Ang tinutukoy ni Aurora ay si Enzo Manzano ang anak ni Edu kay Rina na nahe-headline dahil sa solong protesta laban sa Philippine government. Hindi nga naman nababanggit ni minsan sa mga report kung sino ang ina ni Enzo.

Nakakadalawang solo protest na si Enzo, una sa United Nations Headquarters and for three hours, hawak niya ang poster na may nakasulat na “Duterte & PH govt are taking away my people’s right.”

Sumunod ang solo pa rin niyang pagpoprotesta sa harap ng Philippine Consulate sa New York. Nakasulat naman sa poster na kanyang hawak ang “PH Govt is destroying my country’s democracy. Hear us now b4 its too late.”

Sa lahat ng mga lumalabas na balita, laging nababanggit na anak siya ni Edu at wala pa kaming nabasa na binanggit ang name ng mom niyang si Rina Samson.

Ang sabi, three days pinag-isipan ni Enzo kung itutuloy ang lone protest at sa isang interview, nabanggit ang “It only makes me more angry whenever news of our govt. comes out in PH.”   

Biyahe sa Spain nina Zia at Ziggy, malabo pang matuloy

Halos pare-pareho ang comment sa post ni Marian Rivera ng old photo nila ng kanyang Spanish dad na gwapo ang kanyang ama at kamukha niya ito.

May mga nag-comment pa nga na sa litrato ni Marian noong bata pa siya sa tabi ng kanyang ama, lumalabas na siya at ang lolo nito ang kamukha ni Zia.

Binati kasi ni Marian ang ama ng Happy Father’s Day at ang sabi nito, “Happy Father’s Day Papa! I miss you everyday and hope to see you soon...Te quiero.”

Dapat lumipad sina Marian at Dingdong Dantes pa-Spain kasama ang dalawang anak para ipakita uli si Zia at si Ziggy na hindi pa nami-meet ng personal ng ama ni Marian, pero dahil sa Covid-19, hindi na nakaalis ang Dantes family at sa video na muna nakikita ng ama ni Marian ang paglaki ng mga apo.

Samantala, sa Father’s Day last Sunday, nagluto si Marian ng menudo na request ni Dingdong at sabi pa nga ni Dingdong, “isa lang ang request ko sa araw na ito. At iyon ay ang paborito kong Menudo.”

Writer nag-sorry kay Sharon

Humingi na ng apology si Ronald Carballo kay Sharon Cuneta dahil sa sinulat nitong blind item sa Facebook na patungkol kina Sharon at KC Concepcion. Pinost ni Sharon ang pagso-sorry ni Ronald, pero wala pang sinasabi kung patatawarin si Ronald o itutuloy ang nabanggit na hakbang na kanyang gagawin dito.

May mga nag-comment na dapat ding mag-sorry si Ronald kay KC dahil kasama nga sa blind item niya si KC. Kapag tinanggap daw ni KC ang pagso-sorry ni Ronald, saka lang daw dapat magdesisyon si Sharon kung patatawarin si Ronald o hindi na itutuloy ang kung anumang balak niyang aksyon.

Wala kasing binanggit si Sharon kung idedemanda niya si Ronald at ang sabi lang, “I will exhaust everything in my power to give you exactly what you deserve. Pangalan at reputasyon ko ang matagal mo nang sinisira.”

vuukle comment

AURORA PIJUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with