Engaged na si Ritz Azul sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Allan Guy. Ito ang inanunsyo ng aktres sa kanyang Instagram account last Saturday.
“This Guy’s in love with me, pare. I love you too, Allan Guy,” ang caption ni Ritz sa mga larawan nila ng boyfriend na kanyang ipinost. Sa dulo ay nilagyan niya ng “#engaged” at “#myfiance”
Sa larawan ay makikita ring may suot na singsing si Ritz na obviously ay engagement ring.
Dumagsa naman ang congratulatory messages ng netizens at mga kapwa artista kay Ritz kabilang na sina Julia Montes, Edgar Allan Guzman, Meg Imperial, Miles Ocampo, Jake Cuenca, JC de Vera, Shaira Diaz, at maging ang na-link sa kanyang si Joseph Marco. Bumati rin si Roselle Monteverde of Regal Films.
Of course, ang next na aabangan ng lahat ay kung kelan ang kasal na posibleng mapabilang na sa tinatawag na “new normal” wedding.
Matatandaan ding nang pumasok sa showbiz si Ritz ay “no boyfriend since birth” ang bansag sa kanya kaya first BF niya si Allan.
In her past interviews ay laging sinasabi ng aktres na gusto niya na ang first bf niya ay ang siyang mapapangasawa niya at heto nga’t natupad naman.
Anne umaming si Erwan ang kamukha ng anak
Ang sweet at ang cute ng pagbati ni Anne Curtis sa kanyang mister na si Erwan Heussaff ng first Father’s Day nito kahapon.
As we all know ay nanganak si Anne sa first baby nila na si Dahlia Amélie just last March pero ayon sa aktres, Erwan has been such an amazing father.
“Each time I see a precious moment between you and our daughter, my heart is filled with so much love.. to the point of it bringing tears to my eyes (as you have seen the past few months). You are such an amazing father to our Dahlia Ame?lie. From early morning smiles, nappy changes, burping sessions, cheeky monster faces and sarap cuddles - being a father has come so naturally to you. We are so lucky to have you in our lives,” ang mensahe ni Anne sa mister.
Natawa rin kami sa sinabi ni Anne na magko-concede na raw siya kay Erwan at pumayag nang kamukha ng asawa si Dahlia. Little Erwanita nga ang tawag niya sa kanilang baby.
“And because it is Father’s Day, I’ll finally concede .. our little girl is a little Erwanita. She looks so much like her papa...the cutest little bb girl...
“I guess lihi is real after all,” pahayag ni Anne. Je t’aime Mon amour. Happy 1st Father’s Day,” ang pagtatapos ng post ng aktres.