^

Pang Movies

Sharon sagad ang galit sa lalaking nagbantang gagahasain si Frankie

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon sagad ang galit sa lalaking nagbantang gagahasain si Frankie

In beast mode si Sharon Cuneta kahapon dahil sa isang lalaking nambastos sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan at nagbantang gagahasain ang dalaga.

“Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 yrs. Magtago ka na sa tatay mong Senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo. Dahil hindi ako makukulong,” ang pahayag ng isang lalaking nagngangalang Sonny Alcos na isang DDS (Die-hard Duterte supporter).

Of course, bilang ina, hindi ito pinalampas ni Sharon or any mother naman for that matter. Talaga namang sumagot nang bonggang bongga si Megastar sa kanyang social media accounts para ipagtanggol ang anak at halatang umuusok talaga siya galit.

“What an a**h**e of a father. Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo.

“Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino. Pinagmamalaki mo pang DUTERTE SUPPORTER KA, ganon ba? Alam mo bang kahihiyan ka sa Pangulo?

“At para sa kaalaman ng isang bobong katulad mo, ang Juvenile Justice Law ay hindi para hindi parusahan ang mga kabataang may krimen kundi kung seryoso ang offense ay pananagutan pa rin ngunit ihiwalay sila sa mga hardened criminals na maaaring abusuhin naman sila - at managot sa isang prosesong angkop sa kanilang pagiging menor de edad!

“Ayon sa batas kung serious offense, minimum isang taon pa rin silang kulong at maaaring mas matagal. BAGO KASI MAMINTAS NG BATAS NA GAWA NG SENADOR, ARALIN MUNA. (Sorry po mga Sharonians but this monkey crossed the line.),” ang bungad ng sagot ni Sharon.

Hinamon din niya ang lalaki ng face to face at tinawag niya itong bobo’t tanga.

“BOBO. TANGA. HIGIT SA LAHAT, WALA KANG TAKOT SA DIYOS! Ang kapal ng pagmumukha mong patulan ang issue at pagsalitaan ng ganito ang anak ko! Tayong dalawa ang magharap - di ko man lang iistorbohin ang asawa kong humarap sayo - tutal baka magmukha kang aso pag ako nakaharap mo! Di kita uurungan.

“HINDI MO AKO KILALA PAG ANAK KO NA ANG BINASTOS MO. O, BAKIT TINANGGAL MO NA ANG LAHAT NG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS MO AT PINALITAN MO PATI PICTURES?” aniya.

Ayon pa kay Sharon, kumonsulta na siya sa lawyer tungkol dito at nagbantang hindi niya patatahimikin ang nambastos na ito sa anak.

“We are now verifying our leads to your employers. Wow kung puede lang liparin!!!

“I WILL PERSONALLY MAKE SURE THIS KABABUYAN YOU HAVE POSTED TO DISRESPECT MY DAUGHTER IN THIS DESPICABLE, MALICIOUS AND INSIDIOUS WAY WILL BE OF GREAT INTEREST TO THEM.

“I AM ALSO FORWARDING THIS TO SEC. MEYNARD GUEVARRA WHO HAS BEEN MY FRIEND AND LAWYER SINCE 1992. HAHANAPIN KITA. I. WILL. FIND. YOU.

“YOU FACE ME, YOU COWARD. DUWAG. TANDAAN MO KUNG SINO AKO. NANAY NI KC, FRANKIE, MIEL, AT MIGUEL. YOU CROSSED THE LINE. GOD HELP ME AND THE LAW!

“GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU. HINDI KITA PATATAHIMIKIN. TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA,” pagtatapos ni Sharon.

Sa totoo lang, ngayon lang namin nakita si Mega na ganito kasagad ang galit at hindi naman naming siya masisi talaga dahil kahit sino namang ina ay maha-high blood talaga sa ganitong pagbabanta sa iyong anak.

 Dapat talagang mabigyan ng leksyon ang lalaking ito para naman magtanda at hindi na pamarisan pa.

FRANKIE PANGILINAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with