Mariel hindi pa rin makalabas ng New York!

Mariel

Naku, Ateng Salve, ang hirap ding mamata­yan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Kahapon ay kapalitan ko ng DM (direct message) si Mariel de Leon na based na sa New York.

Namatay noong isang araw ang lola ni Mariel, ang veteran actress na si Lilia Dizon, nanay ng tatay niyang si Christopher de Leon.

Nag-condolence ako kay Mariel (na may modeling stints sa New York) at tinanong na rin kung makakauwi ba siya para sa burol ng kanyang lola?

Nag-thank you si Mariel sa pagko-condolence ko at sinabing, “No, I won’t be able to fly back because of the coronavirus.”

Ang New York ang may pinakamaraming confirmed cases ng COVID-19 sa Amerika.

Dahil nga sa nasabing pandemic, hindi gaanong lumalabas si Mariel sa kanyang apartment sa New York.

Alfred may kutob sa hacker ng FB

Nang maka-chat ko noong isang araw ang actor/politician na si Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas, kinumusta ko ang kanyang Facebook account na na-hack.

Nabanggit kasi sa akin ng misis niyang si Yasmine Vargas na may tumulong sa kanila para ma-recover ‘yon.

Sabi naman ni Alfred ay hindi pa raw nila completely na-retrieve ang FB account na ‘yon. “May hinihintay pa kaming step. Hay, grabe ito. We don’t know yet kung sino talaga ang nangha-hack. Pero may kutob kami,” sey ni Alfred.

Ipinaalala rin ni Alfred na dapat ingatang mabuti ng kahit na sino ang security ng kanilang social media accounts.

Nilinaw rin ni Alfred na may kutob sila sa taong nang-hack ng kanyang Facebook account, pero mahirap daw na basta lang mambintang, kaya ayaw niyang sabihin kung sino ang sa tingin niyang may kagagawan ng pangha-hack.

So, ikaw, Ateng Salve, ingat ka at dapat nagpapalit-palit ka rin ng password, huh!

‘Yun na!

Show comments