Nanay ni Christopher de Leon, pumanaw na

Lilia Dizon

Ulila nang lubos ang magkakapatid na Pinky, Christopher at Melissa de Leon at ang dalawa nilang half-siblings na sina Toni (Antonette) at Corrie Abad-Sanders sa pagpanaw ng kanilang ina, ang veteran actress na si Lilia Dizon (Clara Dizon Strauss) dahil sa lung cancer. 

Si Lilia ay sumakabilang-buhay 8:20 ng umaga kahapon, Lunes, June 15, 2020 sa edad na 92.

Unlike other veteran actresses na aktibo pa rin sa kanilang respective acting careers, si Lilia ay matagal nang tumigil sa kanyang pag-aartista dahil matagal itong namirmihan sa Amerika with her second ex-husband na si Antonio Abad at dalawa nilang anak na parehong babae na sina Toni at Corrie.

Si Lilia ay isang dating Filipino-American singer-actress. Filipina ang kanyang ina na si Regina Dizon habang American naman ang kanyang amang si Abe Strauss na may German-Jewish descent.

In 1940 ay bumalik ng Amerika ang ama ni Lilia na si Abe Strauss at naiwan sila ng kanyang ina sa Baguio. Since then ay hindi na ito bumalik ng Pilipinas.

Kinse-anyos pa lamang si Lilia nang ma­ging stage singer sa Lotus Theater. A year later ay na-discover siya ng writer-director na si Susana de Guzman at isinama siya sa pelikulang Kwintas ng Pasakit when she was 16.

Maagang na-in love si Lilia sa actor-director na si Gil De Leon sa edad na 17 at nagpakasal ang dalawa. At that time ay 33 years old na ang actor-director.  Parehong LVN contract stars noon sina Gil at Lilia.

Ang 18 years na pagsasama ng mag-asawa ay nagbunga ng tatlong anak – sina Pinky, Christopher at Melissa de Leon .

Palibhasa’y bata pa si Lilia nang mag-asawa, maaga rin itong na-burn out lalupa’t seloso umano ang mister nitong si Gil.

Since Amerikano ang kanyang ama, she was petitioned by her father at naging American citizen. Sa edad na 36 ay nakipaghiwalay si Lilia sa kanyang mister na si Gil at namalagi siya ng Amerika kung saan naman niya nakilala ang kanyang second husband na si Antonio Abad. Nagkaroon sila ng dalawang anak na parehong babae – sina Toni at Corrie.  Pero pagkalipas ng 15 years ay nag-divorce sina Lilia at Antonio.

Although mas matagal siyang namirmihan sa Salinas, California, USA, apat na taong nagtrabaho sa isang bangko sa Hawaii si Lilia pero pagkatapos nito ay bumalik siya ng California.

Post war bombshell ang taguring noon kay Lilia na ang unang pelikulang ginawa ay ang Kaaway ng Babae nung 1948.

Ilan sa mga classic movies na nagawa noon ni Lilia include Sanda Wong na dinirek ng National Artist na si Gerry de Leon. Ang iba pang movies na kanyang nagawa noon include Kandilerong Pilak in 1954 kung saan siya tinanghal na Asia’s Best Actress, Haring Kobra opposite Rogelio de la Rosa, Bathaluman kung saan niya katambal si Mario Montenegro, Tucy Dides, Doce Pares, Magkumpareng Putik, Ikaw ang Buhay Ko, at iba pa.

Ang mga labi ni Lilia ay nakatakdang i-cremate sa Heritage Memorial Park in Taguig City at ang kanyang urn ay iuuwi sa kanilang bahay.

Mula sa amin dito sa Pang Masa (PM), ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Lilia Dizon.

Show comments