Nagbigay na rin ng kanyang reaksyon at statement si Jennylyn Mercado hinggil sa rape issue kung saan ay tila ang rape victim pa ang sinisisi.
Nagsimula ang isyung ito nang mag-post sa Facebook ang isang police station sa Quezon province kung saan ay tila sinisisi ang mga babae sa pagdadamit ng maiigsi.
Burado na raw ang post ng police station but just the same ay nakita na rin ito ng iba at lumabas pa sa isang online site.
Isa sa nag-react ay ang dalagang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na si Kakie Pangilinan na sinagot naman ni Ben Tulfo kaya mas lalong naging kontrobersyal.
Bilang babae, hindi rin sang-ayon si Jen na ang rape victim pa ang sinisisi dahil sa kilos o suot ng mga ito. Aniya, ang ganitong mentalidad daw ay napaka-backward.
“Victim Blaming.
“Nakaugalian na ng ibang taong sisihin ang isang rape victim. Kasalanan daw nila dahil sa galaw o suot nila.
“Pasensya na po, but this thinking is backwards.
“Rape exists because of rapists,” ang pahayag ni Jen sa kanyang Facebook fan page.
Ayon pa sa Kapuso Ultimate Star, walang kahit anong rason na pwedeng maka-justify sa panggagahasa.
“Paano ninyo mairarason ang mga biktima na mga bata at matanda na hindi naman nakasuot ng sinasabing “sexy na pananamit”?
“Walang pamantayan ng pananamit ang rape at sexual harrasment.
“No. You don’t blame the victim for choosing to be “malandi” in your eyes. For choosing to wear revealing outfits. For choosing to put herself in a dangerous position. For being at the wrong place and time (madilim na lugar at gabi).
“There is no reason whatsoever that can justify a person getting sexually assaulted and no excuse for the assailant to commit the act.
“Blame the person who chose and chooses to rape her,” saad ni Jen.
Sa comments section ay nakipag-diskusyon din si Jen sa mga netizen na binibigyan pa talaga ng katwiran ang mga rapist.
“Kahit anong itsura or pananamit ng biktima, ang manyak ay manyak. Don’t ever justify the act. No reason can justify an assailant sexually assaulting someone. Wala. Wag niyo sila bigyan ng excuse,” ani Jen.
Nakakalungkot nga na ang daming taong baluktot ang katwiran at ginagawa pang tama ang mali. Kahit ano pang rason, ang mali ay mali, period.
Jackie nag-home service sa anak
Nag-home service si Jackie Forster sa kanyang panganay na anak na si Andre Paras at ginupitan niya ito ng buhok at i-shave ang balbas.
Ipinost ni Jackie sa kanyang Instagram account ang “before” and “after” look ni Andre matapos niya itong gupitan.
“Kuya’s turn! Style and beard trim for my Pogi boy number 1. So happy @andreparas let mama cut his caveman hair,” ang caption ni Jackie.
Matapos namang i-shave niya ang balbas ng anak ay ipinost niya rin ang larawan at caption niya, “because you asked.. he delivered! I present to you @andreparas and his return to civilization.”
Well, this just goes to show na talagang maayos na maayos na ang relasyon ng mag-ina ngayon.