Paano nga ba, Salve A., magpasalamat sa isang kabutihang natanggap o ginawa sa iyo, lalo’t ng isang hindi mo naman gaanong kakilala?
Sa totoo lang, Salve A., impressed ako sa bagong show, titled Paano Kita Mapapasalamatan, hosted by Judy Ann Santos na ipinalabas sa unang pagkakataon noong Sabado.
Ang ganda ng presentation at nakaka-touch ang ginawang paglalahad ng ginawang kabutihan ng supposedly good Samaritan sa kanyang kapwa.
Una na sa isang kasambahay, na isinakripisyo ang makapiling ang kanyang pamilya, dahilan sa gustong damayan ang among babae na may sakit.
Ito rin ay nakatanggap ng kabutihan sa hindi niya gaanong kakilalang mag-asawa nang magkasakit siya at nangailangan ng tulong.
Kusa siyang tinulungan ng dalawa na magpagamot at binigyan pa ng kaunting halaga, para may baon siyang magamit sa kanyang pagsisimulang muli.
In my case, allow me, Salve A., to express my gratitude to you for the friendship. (Beyond grateful po tita for the friendship. Salamat po. - Salve)
Rhian hindi pa rin makatrabaho
Now, proceed tayo to what this column is for. Ha ha ha.
Nakaramdam daw ng slight depression si Rhian Ramos noong mga unang araw nang simulan ang lockdown.
Kung sabagay, hindi nga naman lahat sa atin ay sanay na nasa bahay lamang na walang ginagawa for a long period of time.
E, mahigit dalawang buwan na nga naman ang in-order na protocol na lockdown.
Bale ba, dapat may gagawin si Rhian na bagong series, which had to put on hold daw nga dahil sa existing pandemic, COVID-19.
Vic kuntento sa bahay
On the other hand, nag-enjoy daw si Vic Sotto sa kanyang pamamalagi sa bahay during his supposed three months quarantine.
While at home nga naman, he had the time of his life, so to speak, playing with his daughter Tali and spending quality time with young wife, Pauleen Luna.
Sam puwede nang mag-negosyo ng pagkain?!
What’s keeping singer Sam Concepcion busy, dahil wala nga naman siyang singing engagement, is his new hobby, cooking.
And guess what? He has enjoyed daw cooking so much, it will not be a surprise should he decide to venture into food business.
Suggestion sa name ng food business na itatayo ni Sam: Sam’s Food.
Or, why not Sam’s Cooking?