Jinkee Pacquiao, naghahandang maging first lady sa 2022?!
Naghahanda na nga bang maging first lady si Jinkee Pacquiao sa 2022?
Ito ay matapos kumalat kahapon ang isang video na kinu-confirm ni Bob Arum na kakandidatong presidente ng Pilipinas si Sen. Manny Pacquiao sa darating na presidential election sa 2022.
“The first president I think we’ll get, as a fighter, is Manny Pacquiao,” pahayag ni Arum sa TalkSport video na mabilis ngang kumalat sa social media kahapon.
Dagdag pa niya : “He told me, once again, I did a Zoom telephone call with him, ‘Bob, I’m gonna run in 2022, and when I win, I want you there at my inauguration,’” habang kausap diumano ang World Boxing Council president na si Mauricio Sulaiman.
Eh obvious na unedited ang nasabing video at saka siyempre, Bob Arum ‘yun, Top Rank chief executive.
Dahil kumalat ‘yun, ang unang naisip ng mga nakapanood, wow, baka nga maging first lady ng bansa si Jinkee na isang certified social media influencer at YouTuber. So naghahanda na nga ba siya?
Naku baka raw mas dumami pa ang Hermes collection ni Ms. Jinkee kung mangyayari ‘yun.
Maalalang sinabi ni President Duterte noon (hindi pa masyadong matagal) na puwede naman talaga siyang (Pacman) maging presidente ng Pilipinas pero kumambyo si President Digong.
Sinabi niyang dapat muna itong pag-isipang mabuti ng Pinoy boxing champion.
Anyway, naalala kong umamin ang bussiness manager ni Sen. Manny na si Arnold Vegafria na ang dami talagang nag-e-encourage sa boxing champion na kumandidatong presidente sa paparating na presidential election. Pero hindi pa raw ‘yun iniisip ng senador / boxer. “Hindi niya pa iniisip ‘yun. Well, maraming nag-e-encourage. Pero ang lagi niyang sinasabi, ‘in God’s will,” banggit ni Arnold last November nang makausap ko.
Kuwento pa niya dati, na bukod sa offer na pagpi-presidente ng bansa, marami rin daw movie offer ang senador sa ibang bansa. “May mga offer from other countries, dami eh, iba-iba. May Hollywood, may Hong Kong, may China, marami eh.
“Karamihan action. Pero siyempre priority pa rin niya ang senate, ang public service niya,” na tiyak malabo nang matuloy sa kasalukuyan (movie offer sa abroad) dahil sa pinagdadaanang health crisis ng mundo hatid ng novel coronavirus.
Ang tanong, kung kakandidato si Sen. Manny, sino kaya ang makakalaban niya?
Well, ang paalala ng netizens kahapon, tulad pa rin tuwing may election, maging matalino sa ibobotong kandidato.
Pero teka, true ba na hindi pinasusuweldo ni Sen. Pacquiao ang mga tauhan niya sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League)?
Ayun sa sinulat ni Nay Cristy Fermin sa Pilipino Star NGAYON : “Mahigit na tatlong buwan (mag-aapat na sa Lunes, June 15) nang delayed ang suweldo ng mga taga-MPBL, palaging ganu’n, delayed ang pagpapasuweldo sa kanila!”
Dagdag pa ng source ni Nay Cristy : “Wala silang trabaho, kaya natural, walang pinagkakakitaan ang mga empleyado niya. Wala silang tinanggap na kahit anong ayuda mula kay Senator Pacquiao!
“Napakasakit sa kanila nu’ng napapanood nila sa TV si Pacman na namumudmod ng ayuda sa kung saan-saan, samantalang sila, hindi na alam ang gagawin dahil sayad na sayad na sila!”
Oww. Ano kayang nangyari tungkol dito?
Ok fine. Wait natin ang susunod na kabanata.
Gabby Lopez inutusang magpanatang makabayan!
Wow, parang umabot na sa sukdulan ang Kongreso. Hihihi.
Kahapon nga ay pinag-recite ng Patriotic Oath si Mr. Gabby Lopez ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta bilang bahagi ng pagdinig ng Kongreso sa ABS-CBN franchise renewal.
Patuloy ngang pinagdududahan ang pagka-Pilipino ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III kahit ilang beses na niyang iginiit na isa siyang natural-born Filipino citizen sa unang pagharap niya sa House of Representatives.
Ayon kay ABS-CBN general counsel Mario Bautista, isang dual citizen si Lopez dahil Filipino ang mga magulang niya, kahit pa ipinanganak siya sa United States of America.
Nanindigan si Lopez na hindi niya tinalikuran ang Filipino citizenship niya at nakiusap lang sa Department of Justice na kilalanin ang Filipino citizenship niya para makakuha siya ng Philippine passport.
Anyway, narinig namang binanggit ni Mr. Lopez ang Iniibig ko ang Pilipinas, ang second sentence ng Panatang Makabayan.
Ok fine uli. Wait natin ang susunod na kabanata sa franchise renewal ng ABS-CBN.
- Latest