Walang takot na inamin ng Riverdale star na si Lili Reinhart na isa siyang bisexual. Sa kanyang post sa Instagram, sinabi niya na dadalo siya sa LGBTQ+ for Black Lives Matter protest.
Caption pa niya: “Although I’ve never announced it publicly before, I am a proud bisexual woman. And I will be joining this protest today. Come join.”
Nagulat ang marami sa pag-amin na ito ni Lili sa social media, lalo na ang BetHead (Betty and Jughead) fans ng team-up nila ng Riverdale co-star and ex-boyfriend na si Cole Sprouse.
Kinumpirma kasi ng dalawa na muli silang naghiwalay noong magsimula ang stay-at-home order dahil sa COVID-19 pandemic. “Lili and Cole were in a good place when Riverdale was shut down due to the coronavirus outbreak, but they isolated separately and distance has never been a good thing for their relationship.
“When Cole and Lili are around each other often, things are very good. Their relationship is very intimate and affectionate, but things become much more complicated when they’re apart,” ayon pa sa report ng People.
Vanna inalala ang takot nang mabuntis na walang asawa!
Sa naging virtual reunion ulit ng ikatlong batch ng TGIS cast, inamin ni Vanna Garcia na minsan niyang naisip na itago ang kanyang pagbubuntis dahil sa takot na tuluyang mawalan ng career sa showbiz. Vanna was only 20-years old that time at maraming plano sa kanya noon ang Viva Films, pero bigla nga siyang nabuntis ng boyfriend niyang si Louie Kaw. “Finding out I was pregnant was a terrifying thing for me. Yes, I was worried about my career then, and how people are going to accept being pregnant then a mother out of wedlock.
“Since before it was something that was not as taken normal with our society then. Also, what do I know about being a mom at a tender age. It is a huge responsibility,” pag-alala ni Vanna.
Pero inamin din ito ni Vanna at mas naging positibo ang pananaw niya sa pagiging isang mabuting parent sa unang baby niya.
Pagkatapos niyang manganak sa panganay niyang si Ethan, nasundan pa raw ito ng dalawa pa. Kinasal naman sina Vanna at Louie noong October 2015. Nagdesisyon si Vanna na talikuran muna ang showbiz para sa pag-asikaso ng kanyang lumalaking pamilya.
Nakapagtapos sa kursong interior design si Vanna sa College of Saint Benilde. “I worked as an Interior designer for years as well as I was doing fashion blogging/lifestyle blogging just for fun to help inspire people,” pagtapos pa niya.