^

Pang Movies

Pero pabor... Cong. Vi nalalabuan sa Anti-Terrorism Bill!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pero pabor... Cong. Vi nalalabuan sa Anti-Terrorism Bill!
Cong. Vi

Aaminin naming maski na nga kami nagsasabing mayroon din kaming “reservations” sa ginawang panukalang batas ng Kongreso na Anti Terrorism Bill. Talagang dapat namang sugpuin ang terorismo, alangan namang hintayin pa nating magaya tayo sa US na nagkakaroon na ng malawakang kaguluhan at looting. Pero iyong mahuli dahil lamang sa isang hinala, aba eh medyo malabo iyon. Iyong ma-detain nang wala ring limit na wala pang kaso, malabo rin sa amin iyon.

Iyon din naman ang sinasabing malabo maski ni Congresswoman Vilma Santos, na nagsabi ring pabor siya sa anti-terrorism bill, pero nangangamba rin siya na baka magkaroon ng abuso sa karapatang pantao. Iyan ay isang batas na sa ngayon ay malawakang pinag-uusapan ng mga Pilipino.

Marami ang pabor, pero may ilang stars na laban diyan, kabilang na si Kathryn Bernardo, Janine Gutierrez, Catriona Gray, Pia Wurtzbach at iba pa. Para sa amin ok lang na makialam sila, dahil sila ay mga Pilipino at karapatan nila ang makialam sa mga batas na ipatutupad sa ating bansa. Pero iyong sinasabi nilang nakikialam pati si Taylor Swift, bakit naman? Ano ang karapatan? Apektado ba siya? Mahalaga ba para sa mga Pilipino ang opinion niya? Bakit kaya hindi na lang siya kumanta?

Iyan ang sinasabi namin sa mga dayuhang nakikialam sa mga bagay na may kinalaman sa ating bansa. Iyan ay maliwanag na panghihimasok.

Kagaya rin naman noong wala tayong pakialam kung ano man ang gusto nilang gawin sa bansa nila.

Nagkakagulo sa US, maraming Pilipino din ang nagsasabing “black lives matter,” lalo na iyong pro life, pero hindi sila nakikialam kung papaano dapat ipatupad ng US ang hustisya.

Hindi natin dapat hayaan ang mga dayuhan. Baka dumating ang isang araw pati sina Lee Min Ho, Rain, Lee Young Ae at kung sinu-sino pa nakikialam na rin sa atin.

Mike at Arnold, nalamangan sa ere sina Noli at Ted

Noong unang maging modified enhanced community quarantine, sinasabi nilang lamang ang dzMM kahit na nga wala sila on the air, dahil nakabalik na si Noli de Castro, at kasunod niya si Ted Failon. Matindi ang kanilang komentaryo sa umaga, at iyan ang primetime sa radyo.

Pero nang mag-general community quarantine na, nagbalik na rin si Mike Enriquez, at muling nakatapat nina Noli at Ted. Tapos ka-back to back pa niya si Arnold Clavio na isa rin sa malalakas na personalities ng GMA News. Nakalamang na sila, walang duda, dahil naririnig sila sa radyo, bukod sa napapanood pa rin sa free TV, doon sa kanilang News TV. Ang dzMM, naroroon lamang sa Tele-radyo na mapapanood mo lamang sa cable o kung mayroon kang digital tuner.

Malaking bagay talaga ang “on the air” broadcast.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with