^

Pang Movies

Ate Vi nilapitan ng mga fashion designer na naging jobless sa pagsasara ng Channel 2

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung sinasabing labing isang libo lamang ang mawawalan ng trabaho kung tuluyan na ngang masasara ang ABS-CBN, sinabi ni Congresswoman Vilma Santos na mukhang mali iyon. Sa tingin niya higit na marami pa ang apektado. Kasi binilang niya pati ang mga personal driver, make up artist at mga alalay na binabayaran ng mga artista. Hindi sila empleyado ng network, pero nagkakaroon sila ng trabaho at nababayaran ng mga artista dahil sa kinikita naman ng mga iyon sa network.

May mga lumapit din daw sa kanyang mga fashion designer, na dati kumikita dahil linggu-linggo silang gumagawa ng damit para sa mga artistang lumalabas sa mga show ng Channel 2, na siyempre ngayon ay natigil na.

“Kasi basta pinag-uusapan natin ay batas, kailangang isipin natin what is legal. Pero kahit naman sinong abugado, kahit na sabihin mong justices of the Supreme Court pa, sasabihin sa iyo  hindi naman puro kung ano lang ang legal ang pinag-uusapan diyan. Mayroon tayong tinatawag na moral observance of the law. Maaari ring bigyan ng diin ang humanitarian reasons, in fact iyon nga ang mas dapat na mauna sa ating  priorities, dahil ang batas na ginagawa namin para sa tao iyan. Kung ano ang makabubuti sa mga tao. Ang batas dapat na makatulong sa tao,”sabi ni Congressman Vi.

Tungkol sa mga sinasabing paglabag ng ABS-CBN sa kanilang franchise, iba ang katuwiran ni Ate Vi. “Kung may paglabag, ‘di ituwid nila. Para sa amin naman sa congress, gagamitin namin iyon para makagawa ng batas para maiwasan na ang mga ganoong mali. Kasi iyang mga problemang iyan hindi nakita noong mga gumawa ng batas noong araw. Ngayon nakita natin na may nangyayari palang ganyan, eh ‘di ituwid natin ang batas para hindi na maulit, at kung may batas, susunod naman ang mga iyan,” sabi pa ni Ate Vi, na tama naman.

Sorry ni Coco ‘di nakarating kay SolGen Calida!

“Kung hindi ako solicitor general, pinatulan ko iyang mga iyan,”sabi ni SolGen Jose Calida sa kanyang unang-unang statement tungkol sa mga artista ng ABS-CBN na bumanat sa kanya. Particularly, binanggit niya si Coco Martin na sa kanyang statement ay nagsabi noon na “tinatarantado ninyo ang sambayanang Pilipino.”

Bagama’t sinasabi namang pagkatapos noon ay nag-apologize din si Coco kay SolGen Calida, mukhang hindi nakarating sa kanya ang apology, at kung sakali man, hindi niya iyon tinanggap.

Sa parte ni Coco, inamin naman niya sa kanyang apology na nabigla siya, nag-init ang ulo niya at tinalo siya ng kanyang emosyon.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with