Darren kinabog na si Lyca

Darren

Hindi man si Darren Espanto ang tinanghal na kampeon sa kauna-unahang season ng The Voice Kids – Philippines nung 2014 kung saan si Lyca Gairanod ang grand prize winner, hindi naman ito dahilan para hindi niya maabot ang kanyang mga pangarap. Katunayan, sobrang blessed si Darren sa kanyang singing career ngayon sa tulong ng kanyang management company, ang Star Magic at MCA Music, ng kanyang pamilya, ng fans at pati na ang mga taong patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan bilang isang mang-aawit at performer although pinasok na rin niya ang larangan ng pag-arte sa pamamagitan ng mega hit movie na  The Hows of Us na pinagbidahan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Si Darren ay isa ngayon sa pinaka-most successful singer-performer among his peers.

Last Sunday, May 24 sa ika-19 birthday ni Darren ay nakagawa siya ng kanyang kauna-unahang online or virtual concert na naging matagumpay.  Ito ay ang Darren Espanto: Birthday Concert (From Home) kung saan niya naging special guest performers sina Gary Valenciano at Moira de la Torre at nakalikom ng mahigit P800,000 pesos na ang beneficiary ay ang Pantawid Pag-ibig fund campaign  ng ABS-CBN na patuloy na tumutulong sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Samantala, ang parents ni Darren na sina Lyndon at Marinel Espanto ay parehong frontliners sa Calgary, Alberta, Canada kung saan sila namamasukan bilang nurses.

PH Independence Day sa NY, tuloy ang selebrasyon

Taun-taon ay sini-celebrate ng Pilipinas at sa iba’t ibang embahada at konsulada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ang Philippine Independence Day pero dahil sa Covid-19 pandemic, magiging kakaiba ang pagdiriwang ng ika-122nd Indepen­dence Day ng Pilipinas maging sa ibang bansa.

In New York City, magkakaroon ng virtual commemoration ang konsulada ng Pilipinas sa pamamagitan sa loob ng dalawang araw on June 7 (Sunday) at June 12 (Friday) sa ganap na ika-10 ng umaga na mapapanood sa live stream on Facebook.com/PIDCIOfficial/LIVE na pangungunahan mismo ng Concert King na si Martin Nievera at ng American hitmaker, ang singer, composer, lyricist and writer na si David Pomeranz at iba pang Fil-Am singers-performers which include Jo Awayan, Jared Martin at iba pa na hosted by Angel Ram and Ner Martinez.

Gagawa at gagawa talaga ang mga Pinoy (sa iba’t ibang dako ng mundo) ng paraan kung paano ipagdiriwang ang ating sariling kasarinlang.

Show comments