Fans ni Kim umalma nang gamiting opening statement sa Congress ang classroom!

Kim

Maraming hindi natuwa nang gamitin ni Cong. Rodante Marcoleta 

ang Law of Classroom statement ni Kim Chiu sa franchise hearing ng ABS-CBN para patunayan ang kanyang point kahapon sa Congress.

Sigaw ng netizen, inappropriate ang paggamit ng video ni Kim sa Mababang Kapulungan.

Ang Law of Classroom video nga ang ginawang opening statement ni House Deputy Speaker Marcoleta na ngangunguna sa pagkontra sa pagbibigay ng new franchise sa giant network. “Mr Speaker, my distinguished colleagues, hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN kaya hindi po sila puwedeng lumabas at magpalabas.”

Maging ang fans ni Kim ay umalma at sinasabing bakit kailangang gawing katatawanan ang Kongreso ang isang katulad niya.

Bukod kay Kim ay ginamit din ni Cong. Marcoleta ang video ni Vice Ganda and Pastor Quiboloy.

On a lighter note, cute ng #BawalLumabas shirt ni Kim na for sale na ngayon.

Yes pero hindi raw para pagkakitaan kundi para lang may maitulong pa sila sa ibang charity groups at sa mass testing project ni Angel Locsin.

“Proceeds of this limited edition merch will be donated for charity (food packages) and hopefully sana makapag donate din tayo sa project ni @therealangellocsin na mass testing project. sana masabi na natin na one day pwede na tayong lumabas na LIGTAS?.
“Follow @bawallumabas_merch and message to order.
Bulk order minimum of 5 will be free of delivery charge around metro manila area. We ship also nationwide thru LBC.
thanks classmates!!hope you can support me in this project #bawallumabas.”

Well, sa kasalukuyan ay chill na ang lahat dahil balitang magiging General Community Quarantine na.

Pero kahapon ay 350 ang new cases ng may infection ng coronavirus sa bansa kaya bawal pa ring lumabas ang mga wala naman talagang importanteng gagawin sa labas.

Show comments