Noranians hinahanap sa social media!

Nora

Habang tigil muna sa taping ang kanyang pinagbibidahang GMA series na Bilangin Ang Bituin Sa Langit dahil sa banta ng ­CO­VID-19, pag-arte pa rin naman ang pinagkakaabalahan ng Superstar na si Nora Aunor ngayong naka-quarantine sa kanyang tahanan.

Sa kanyang ika-67th na birthday the other day, inihandog ni Ate Guy ang kwento ng isang lolang frontliner na kinakausap ang kanyang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng serye ng videos sa online monologue na Lola Doc.

Pag-amin pa ng Superstar ay kakaiba raw ang umarte na hindi tao kung hindi screen ang iyong kaharap, “Noong ginagawa ko po ito parang gusto ko nang sumuko. Talagang hirap na hirap po ako talaga. Iba po pala talaga ‘yung gumagawa ka ng eksena na wala kang kausap. Para kang loko-loko na kinakausap mo, wala.”

Ang Lola Doc ay mapapanood sa Facebook page ng Tanghalang Pilipino bilang parte ng kanilang PangsamanTanghalan o alternative space para magdaos ng mga pagtatanghal habang nasa ilalim ng ECQ ang ilang bahagi ng bansa.

Ang iniisyu lang ay bakit daw 30k pa lang ang views ng nasabing online monologue.

Nasaan na nga ba raw ang Noranians? Ito raw ay libre lang at walang bayad. Sana raw ay i-share nila nang i-share para naman umabot ng 100k ang views nito.

Maging sa YouTube ay hindi rin ito nag-trending.

Show comments