Ate Vi tahimik lang sa pag-ayuda
MANILA, Philippines — Bihira ang nakakaalam sa sikretong pagtulong ni Cong. Vilma Santos sa mga kapus-palad na apektado ng COVID-19 na almost three months nang na-lockdown sa kanilang mga tahanan.
Walang ingay ang pagtulong ni Ate Vi na nalaman lang namin sa ilang kakwentuhan na palihim pala siyang tumutulong magmula nang pumutok ang Taal Volcano kung saan matagal din siyang naging ina-inahan sa Batangas bilang gobernadora kaya’t hindi natiis ang paghihirap ng mga kababayan.
Si Mayor Richard Gomez naman ay du-mamay at iniisa-isa rin ang mga nasasakupan sa Ormoc na binigyan ng tig-iisang sakong bigas na may kasamang isang libong piso.
Kabilang sila sa mga dating taga-showbiz na naging matagumpay sa larangan ng pulitika.
Pero ano ba naman ‘yang COVID na ‘yan na tatlong buwan nang umaatake!
Kung bakit parang hindi matuklasan ang panlaban sa virus na galing China. Pulos na lang nadapuan ng COVID at mga namamatay ang nababalita sa radio pero ang tanong, may tumutuklas ba talaga ng panlaban dito o bali-balita lang?
Marami na ang naapektuhan at baka lalong bumagsak ang ekonomiya kapag hindi pa ito nalabanan.
PERSONAL…
Birthday greetings to May born celebrants: Ms. Helen Gamboa, Barbara Milano, Alma Moreno, Mrs. Estrella Sungcang at Miss Irene Ilkins of Boracay Island. Happy wedding anniversary to Mr. and Mrs. Henry Bong Sungcang of Sta. Maria Oriental Mindoro.
- Latest