Marimar ni Marian, dini-demand na ibalik!
Nag-throwback si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng mga soap na ginawa niya sa GMA Network. Caption niya sa kanyang Instagram wall: “Every soap that I did is special and truly memorable for me. How about you? Alin dito ang nami-miss ninyo at gustong panoorin ulit? Let me know your faves in the comments section!”
Ang mga soap niyang ginawa: 2007 Marimar; 2008 Dyesebel; 2009 Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang & Darna; 2010 Endless Love; 2011 Amaya: 2012 My Beloved: 2013 Temptation of Wife; 2014 Carmela; 2017 Super Ma’am.
Nakakuha ng may 11,372 comments ang post na ‘yun ni Marian, na mostly ang sumagot ay mga kapwa niya artista, na nakasama niya sa mga proyektong ginawa niya kabilang si Kathryn Bernardo na naging kaibigan ni Marian nang gumanap si Kath bilang young Jenny sa Endless Love.
Sa dami ng sumagot nanguna pa rin ang Marimar, ang unang project niya nang maging Kapuso actress na siya. Sabi ni @bambbifuentes “An actress and a beauty icon that is Marian Rivera,” ang kabilang sa mga maraming napa-react sa pa-throwback ni Marian.
Dingdong hindi nakalimutan ang stairway
Hindi naman pala malilimutan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na tinanggap niya ang role ni Cholo sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Stairway To Heaven dahil sa pagganap niya ng said character, natanggap ni Dingdong ang kanyang first acting award, nang hirangin siyang Best Drama Actor ng Star Awards for Television noong 2010. At December of 2010, na-nominate din si Dingdong sa kategoryang Best Actor in a Leading Role sa Asian Television Awards na ginanap sa Singapore, sa pagganap niya pa rin sa Stairway To Heaven na simula bukas ay muling mapapanood sa GMA 7 pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.
- Latest