Pinoy law student, malakas ang laban sa American Idol

Sa darating na Linggo, May 17 ay malalaman na kung sino ang tatanghalin bilang pinakabagong American Idol para sa Season 18 ng sikat na American singing competition on TV. Out of seven semi-finalists ay kabilang ang Fil-American contestant, ang 19-year-old singer-composer-musician and pre-law student na si Francisco Martin from San Francisco, California. 

Ang iba pang pumasok sa Top 7 ay binubuo nina Arthur Gunn, Dillon James, Jonny West, Julia Gargano, Louis Knight at Just Sam. Sa kanilang pito kukunin ang Top 5 na siya namang maglalaban-laban for the title as the newest American Idol.

Inamin ni Francisco na inakala niyang hindi siya makakalusot sa auditions  dahil sa sobra niyang nerbiyos. “I want music to be my career but I’ve always had a struggle with self-confidence,” pag-amin niya.

Napansin ng dalawa sa mga judge na sina Lionel Richie at Luke Bryan ang nerbiyos ni Francisco kaya nilapitan siya ng dalawa para palakasin ang kanyang loob.  After his performance ay binigyan siya ng mga hurado ng standing ovation matapos niyang kantahin ang Alaska ni Maggie Rogers.  Napanood mismo ito ni Maggie at agad itong nag-tweet ng “I Can’t Handle This.” Nang ito’y makita at mabasa ni Francisco, agad niya itong shinare sa kanyang Instagram post, “Oh my Jesus @maggierogers I LOVE YOU,” isang patunay na isa siyang big fan ng American singer, songwriter at record producer.

In one of the performances din ni Francisco kung saan niya kinanta ang Falling Like the Stars ni James Arthur ay hindi napigilan ng isa sa judges na si Katy Perry ang maiyak.

Si Francisco ay proud sa kanyang Filipino heritage at madalas din itong kumanta ng mga Filipino songs at isa sa kanyang new favorites ay ang Buwan ni JK Labajo. If he makes it as the next American Idol, si Francisco ang magiging kauna-unahang Fil-Am to grab the title.

Show comments