^

Pang Movies

Sharon binuhay ang mga lumang kanta

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Sharon binuhay ang mga lumang kanta

More than P2-M din pala at possible na madagdagan pa ang nalikom ng online concert, na in-organize ni Megastar Sharon Cune­ta noong Mother’s Day, May 10 kumbaga in the name of Pantawid Pag-ibig program  ng ABS-CBN para makatulong sa marginalized sector ng ating society ngayong everyone is suffering dala ng pandemic na COVID-19.

Mga awiting pinasikat ni Sharon during her younger years ang kanyang mga inawit. Nanatiling popular ang mga awiting ito tulad ng To Love Again, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko at Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan. Sharon had the cooperation of her husband Sen. Kiko Pangilinan and their children.

Salamat, Sharon.

Max tutulungang manganak ng mister

Magiging lola na si Redgie Magno, Vice President for Drama ng Kapuso network courtesy of her eldest son na si Pancho Magno.

Si Pancho ay isang nursing graduate na nag-aartista rin ay first time magiging tatay, dahil ang kanyang wife na si Kapuso actress Max Collins ay manganganak na anytime soon. Ikinasal sila noong 2017.

Well, did we hear it right na type ni Max na manganak sa kanilang bahay? She feels safer daw kung sa bahay siya manganganak. After all nga naman, Pancho can always assist the midwife or OB na magpapaanak sa kanya. She will also breastfeed her baby raw.

Lockdown movie, dumami ang bida

Nadagdag sina Jake Cuenca at Arjo Atayde sa cast ng kasaluku­yang ginagawang movie nina Angelica Panganiban at JM de Guzman na Love Lockdown na mapapanood sa streaming site na iWant.

An ABS-CBN Films at Dreamscape Production project, Love Lockdown is a reunion project nina Angelica at JM na unang nagkasama sa That Thing Called Tadhana noong 2015 na idinirek ni Antoinette Jadaone.

Busy sina Angelica at JM individually sa kani-kanilang shows bago ang lockdown. Si Angelica ay napapanood sa Banana Sundae at si JM naman ay sa Pamilya Ko kasama sina Sylvia Sanchez at Joey Marquez.

ABS-CBN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with