Pagiging generous ni Bublé, reminder sa mga ‘selfish at greedy’
Hindi puwede na hindi malalaman ng lahat kung gaano kabait si Michael Bublé.
Imagine na iyong caregiver ng lolo niya na siya ang nag-hire, ay ibinigay niya ang bahay na iniwan ng kanyang lolo.
Napunta nga ito kay Millie na isang Pinay para raw wala na itong iintindihin sa rental at mas makatulong pa sa pamilya sa Pilipinas.
Bongga si Michael Bublé ha, napaka-generous and kind. Napakasuwerte ng kababayan nating Pinay caregiver na ang naging amo ay isang tulad ni Michael.
Bilang pasasalamat Salve sa Canadian singer dahil sobra ang kabaitan niya, ipapa-download ko lahat ang kanta niya, para pag may mga moment na feeling greedy at selfish ako, pakinggan ko music niya para maalala ang kindness at generosity niya baka sakaling mag-rub on sa akin at maging way para mag-pay forward din sa iba.
Gayahin natin si Michael Bublé, pag meron tayong naging kasama na maganda ang trabaho, bigyan natin ng magandang premyo. Salute!
‘Huwag masyadong emosyonal’
May demokrasya pa rin talaga. Habang nanonood ako ng TV Patrol sa ANC at sa Teleradyo kung saan openly pinag-uusapan iyong kaso ng shutdown, iyon freewheeling discussion, you feel na meron pa ring demokrasya.
Dahil hayan, freely puwede ka magsalita. Iba pa rin ang kaso noon sa Martial Law kaya hindi dapat itulad dito iyong nangyari noon.
At habang panay ang pagsasabi ng iba na may mali, lalo pang nagugulo ang issue. May mali bakit nangyari, tama ang ABS-CBN ano ginawa ng mga lawyers bakit pumayag? Saka iyon mga emotional na pahayag ng mga artista, parang naging dahilan pa para magkaroon ng negative reactions ang iba.
Let’s wait , like the thousands of drivers and OFW, no pay no work na mga nawalan din ng trabaho. Maawa tayo at mag-isip kung paano tutulungan ang 11K na employee ng ABS-CBN pero gawin natin ito ng mahinahon. Huwag natin hayaan emosyon ang umandar, tingnan natin iyon sinasabi nilang batas, maniwala pa rin tayo sa demokrasya. Hintayin natin.
- Latest