‘Dapat bukas ang utak’

Siguro nangyayari din ito sa iyo Salve. Iyon bang meron kang tao na kahit unang meeting n’yo pa lang ay magaan na ang loob mo at meron naman ewan mo kung bakit medyo mabigat ang dating sa iyo.

Sometimes nagkakamali ka rin dahil iyon pakiramdam mo iba pala pag matagal mo nang kasama, at mas nakilala mo na. Meron kasing taong mahusay talagang kumuha ng tiwala mo, at meron din wala lang what you see is what you get.

Sa panahon ngayon na parang ang dali ng mga pagbabago sa mga pangyayari, dapat siguro open ka na lang sa lahat ng tipo ng tao, iyong emotional investment mo, iyon na lang ang bantayan mo. Kasi now, dapat you feel as one, you work as one, para mas matibay. Wala na muna iyong inggit at discontentment, dapat bukas ang puso at utak mo, dahil kung anu-ano na lumalabas tulad ng coronavirus, mamaya kung ano na naman, lalo pang umiikli buhay natin.

CP may pa-Mother’s Day

Nakita mo kung bakit paborito ko ang Coffee Project.

Dahil lockdown at gusto nila malaman ng lahat na open sila for take out, pinadalhan nila ng mga food iyong mga regular customer nila. Iyon masarap na fish fillet nila ang binigay nilang gift sa akin for Mother’s Day at talagang touching dahil bilang premyo mo iyon sa pagiging loyal customer ng isang local coffeeshop na hindi foreign franchise kaya Pilipinong-Pilipino.

Hay naku, it really pays to be loyal. Kahit yayain ako ni Nini at Avec sa ibang lugar, sa Coffee Project pa rin ako.

Show comments