^

Pang Movies

Fans ni ate Vi nagbukas ng ‘kitchen’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maraming fans si Congresswoman Vilma Santos na nagtatanong sa kanya kung saan maaaring magpadala ng ayuda” para sa mga gusto niyang tulungan.

Gusto kasi ng fans na makatulong din sa pangalan ni Ate Vi. Pero ang sabi nga ni Ate Vi, bakit pa naman sila darayo sa Batangas, na baka maging problema pa nila dahil sa dami ng dadaanan nilang checkpoints, samantalang maaari naman silang tumulong sa mga nangangailangan din na malapit na sa kanila.

Ang payo ni Ate Vi, kung gusto mo talagang magbigay ng ayuda, tumulong ka doon sa pinakamalapit sa iyo na nangangailangan din naman.

Iyon ang dahilan kung bakit nagkahiwa-hiwalay ang mga Vilmanian sa kanilang ginagawang pagtulong. May nagbukas ng isang kitchen” sa Malabon para tulungan ang mga tao roon.

Hindi nga naman kasi talaga puwedeng puro sardinas lang ang kainin   lalo na sa panahong kailangang malakas ang kanilang katawan. Kaya iyong mga Vilmanians, doon nagluluto ng gulay, isda at ibang sariwang pagkain mula sa kanilang binuksang common kitchen para makatulong sa iba. Sanay na naman sila sa ganyan dahil matagal nang ginagawa iyan ng grupo ni Eirol Simon.

Mayroon naman sa kanila na may kakayahan din na nagbibigay naman ng bigas at mga de lata na inihahatid naman nila sa mga simbahan at sa ibang NGO para maidagdag sa mga itinutulong sa mas nangangailangan nating kababayan.

At lahat ng ito, sabi nga nila, ginagawa nila dahil sila ay Vilmanians, at mayroon silang commitment na tumulong talaga sa kapwa, kahit na hindi Vilmanian.

Bitoy nag-react sa mga nagdo-donate

Tama si Michael V, dapat nga siguro kung tutulong ka man para maibsan kahit na papaano ang hirap nitong ECQ, gawin mo na lang nang matahimik at huwag nang ilabas sa social media. Pero iyong sinasabi ni Michael V, iyon ay kung ikaw lang mismo ang nagpapaabot ng tulong mo.

Iyong iba naman kaya inilalabas sa media, kasi may ibang mga taong tumutulong din sa proyekto nila at dapat lamang malaman ng mga iyon kung saan nila dinadala ang tulong. Pero iyan ay hindi naman talaga isang malaking issue. Ang mahalaga may natutulungan ka sa ganitong panahon na marami na ang nagugutom.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with