Judy Ann at Pia Judy Ann at Pia nagbebenta ng mga gown, bag, sapatos para sa frontliners
Nag-donate si Judy Santos ng ilang kagamitan niya para ibenta na ang proceeds ay para sa frontliners.
Sa iisang grupo sila ni Pia Wurtzbach nag-donate.
“Shop for a cause! i donated some of my clothes, shoes and bags .visit @vestido.manila for more information. 100% of the sales will go to our frontliners. thank you sis @pamquinones for doing this!,” ang update ng mahusay na actress na active sa pagtulong sa frontliners sa umpisa pa lang ng health crisis sa bansa.
Glittery gowns, LV bag, branded shoes naman ang items ni former Miss Universe. “Hi Guys! @vestido.manila is doing a benefit sale called #FashionForOthers. Check out some of my pre-loved items from my closet that are up for grabs. 100% of the proceeds go towards COVID-19 aid. Swipe left! To purchase, head over to their IG page Thank you in advance!,” ang chika naman ni Pia.
Ang mga gown nina Judy at Pia ay around P7,000 to P12,000 ang presyo.
Pero ang LV bag ay walang halagang naka-indicate sa IG post ng @vestido.manila.
‘Yung shoes and bag siguro, mabebenta kasi puwedeng ootd sa social media habang naka-stay at home ang karamihan at parang timeless naman ang LV.
Pero ang glittery gown kaya may bumili? Sana naman.
Sa kasalukuyang sitwasyon ng bayan, paiiralin pa rin daw ang social distancing kahit na nga mag-flatten na ang curve.
At magiging strict pa rin diumano ang gathering ng more than 10 people kaya baka next year na magkaroon ng sosyalan o party party. Or baka ang mga super fans nina Judy Ann and Pia ang bumili parang gawing souvenir.
- Latest