Grabe! Umiral ang kakulitan ko noong nakaraang araw. Hindi kasi ako aware na may bago na palang pinatupad na batas dito sa subdivision namin sa Golden City, Santa Rosa, Laguna na may itinakdang araw ang bawat phase para bumili ng pagkain, gamot, o kung magpupunta ka ng bangko.
Lumabas kasi ako para bumili ng gamot at i-claim ang padalang datung. Pinipigilan ako ng mga kasama ko sa bahay, pero sadyang ayaw papigil ng lola n’yo! E, hindi ko puwedeng iutos dahil sa akin nakapangalan kaya napilitan akong lumabas.
Nagulat ako kasi hinarang ako ng patrol ng barangay, sinita ako, nakipagsagutan pa ako dahil kailangang-kailangan ko ng gamot at datung! Nangatwiran pa rin ako dahil may dala naman akong quarantine pass at naka-face mask naman ako.
Sabi ng mamang patrol kapag nagmatigas pa raw ako ay dadalhin daw ako sa office ni Chairman Jose “Peping” Cartaño! Dyahe naman! K na rin.
Nag-sorry na lang ako at inalis ko ang pasiga-siga na attitude ko.
Naglabas ako ng singkwenta pesos para sa abala kay mamang patrol dahil hinatid ako pabalik ng bahay, aba’y nagalit! Bawal daw! Ginagawa lang daw nila ang trabaho nila at kung may kailangan daw akong bilhin ay itawag ko daw sa kanila para sila ang maghahatid sa akin.
Kudos po sa lahat ng mga LGUs! Sensya na po!
Ping nakakaloka...
How true kaya itong kumakalat ng balita exposing Ping Medina sa Twitter na nagse-send daw siya diumano ng mga unsolicited dick pics at nang-aabuso raw siya verbally para pumayag makipagtalik sa kanya ang ilang kababaihan?
Ito rin daw ang dahilan kung bakit siya na kickout noon sa Ateneo dahil notorious daw siya ng kolehiyala? Pumiyok na rin diumano ang ilan pang biktima na nagbabalang iblock o iunfollow na raw si Ping sa anumang social media or dating apps dahil kahit menor de edad ay tinatarget daw niya.
Umani ng mahigit anim na libong likes at dalawang libong retweets ang nasabing thread na pinost ng Twitter user na si @jughnn.
Kaya raw ba ganoon na lang ang galit ni Ping sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil threatened siyang makulong dahil doon? Nakakaloka!