Buhay ng tao may tatlong pahina

Sabi ni Father Jerry Orbos, ang life natin ay parang sheet ng paper.

Three pages siya, unang pahina ay noong ipinanganak tayo, third page iyon pag namatay na tayo. At ang second page naman ay iyong pahina ng buhay natin sa mundo kung saan nakasulat ang mga ginawa natin, kung naging masama o mabuti tayo.

Importante ang page na iyon ng buhay natin dahil iyon ang magdi-decide kung saan tayo pupunta pag tayo ay  namatay, kung sa langit o sa impyerno.

At tatlo lang daw ang dapat mong gawin para maging malinis ang pahina na iyon sa buhay natin, love God, love your neighbor and love yourself.

Sa buhay natin, konti lang din ang dapat alisi n, iyon galit, inggit at discontentment.

Pag ito wala sa katawan mo, mas magaan ang buhay mo at lalong mas masarap mabuhay. Dapat wala kang masyadong hugot sa buhay, dapat easy easy lang, tanggapin ang mga bagay na dumara­ting ng hindi mabigat sa loob mo. At sa paraang ‘yan magiging kontento ka, liligaya ka, magiging malinis iyon pangalawang pahina sa buhay mo and you will be in heaven with Jesus.

O di ba, at least sa quarantine wala ka masyado nakikita kundi loob ng bahay mo at mga kasama, walang ibang tao na nagiging cause para maging nega ka.

Isda at mga gulay ng Pandi, fresh na fresh

Naku ha, ang sarap naman sa Pandi Bulacan.

Grabe pala ang mura ng mga isda at pakwan, pati ang vegetables doon, kaya meron nagmagandang loob na bigyan ako ng isang styrofoam na punung-puno ng bangus at pakwan pati veggies.

Kaya naman pala ang gaganda ng mga relief items ni Mayor Enrico Roque para sa mga taga-Pandi dahil sagana ang bayan nila ng mga pagkain.

Ang maganda nilang pamamahala sa distribution ng mga pantulong sa mga taga-Pandi ang dahilan kung bakit wala kang maririnig na reklamo. Nagkaroon nga ng investigation ang isang barangay captain na bumili ng lumang bigas na ikinagalit ni Mayor Enrico Roque.

Dahil nga sa hands on ang kanyang pamamahala madaling nakita ang pagkakamali.

Show comments