^

Pang Movies

Seth panay ang bingo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Seth panay ang bingo!

Ayon kay Seth Fedelin, mabuti na lang daw at nakauwi siya sa kanyang pamilya sa Cavite bago nagsara ang mga daan dahil sa enhanced community quarantine.

Kaya naman masa­yang-masaya ang young actor na sama-sama sila ng kanyang pamilya sa bahay at nagkaroon siya ng mara­ming oras para makipag-bond sa mga ito.

Bingo, nagbi-bingo kami dito,” sey ni Seth sa panayam sa Starstudio.ph.

Not only that, tumutulong din ang young actor sa mga gawaing-bahay dahil siya raw ang naghuhugas ng pinggan.

Sinusunod din daw nila ang stay at home” na ordinansa at isang tao lang ang lumalabas sa kanila para bumili ng pangangailangan.

Walang lalabas ng bahay po para wala kang mapulot na sakit, o malay ko ako pala iyong may sakit, para hindi na ako makahawa.

Isa lang po talaga lumalabas kada bahay. Ganoon po iyong pinatupad dito. Si Papa lang po iyong lumalabas. Kailangan kumpleto rin sa vitamins; si Papa iyong nagche-check sa amin,” pagbabahagi pa ni Seth.

Aminado rin ang young actor na nami-miss na niya ang mga katrabaho niya and when asked kung sino ang pinakanami-miss niya, sagot niya, Siyempre si Ali. Si Andrea” na ang tinutuloy ay ang ka-loveteam na si Andrea Brillantes.

Nagbigay din ng mensahe si Seth sa mga kapwa-Pilipino during this tough time.

Mga Pinoy tayo, wala tayong bagay na hindi nalulutas, at siyem­pre gusto ko lang po sabihin na sumunod tayo bilang indibidwal. Ngayon, tiis-tiis muna kasi hindi lang naman para sa sarili natin ‘to. Para sa nakararami ‘to. Kapag nagtulungan tayo lahat-lahat, naging isa tayo, siguro mabilis natin matatapos ‘to. Mabilis mawawala ‘to, kaya huwag tayo mawawalan ng pag-asa,” pahayag ni Seth.

SETH FEDELIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with