Kausap ko ang isang talent manager.
Naikuwento niya sa akin na may natanggap na “grocery money” ang kanyang talent na may regular TV series sa isa sa dalawang nangungunang TV network.
“’Yun ang sabi. Pang-grocery raw. Hindi ko lang alam kung ibabawas ba sa talent fee in the future ng alaga ko. Basta may pumasok sa account niya.
“Pero, nice rin. Kahit ibawas pa ‘yon sa talent fee niya, ok pa rin. Tulong pa rin ‘yon!” sabi ni talent manager na nakatsikahan ko.
Yes, nice nga ang gesture na ‘yon. At least, hindi na sila nagsabi pa na sana ay makapag-advance para may pambili ng grocery, huh!
Right, Ateng Salve?
Carol Banawa proud na frontliner sa Amerika
Ang nice naman dahil kahit based na sa Amerika ang dating ABS-CBN talent na si Carol Banawa, nag-serenade pa rin siya sa mga fan para sa Metro Safe & Sound: The Unplugged Music Video Series kahapon ng 4:00PM at for the benefit ‘yon ng Pantawid ng Pag-ibig ng Kapamilya network.
Nakasama ni Carol doon si Jamie Rivera.
Anyway, sa kanyang Instagram account (@iamcarolbanawa) ay pinost ng dating singer/actress ang two pictures niya, ang isa ay naka-mask at ang isa ay naka-protective face shield hat siya.
Nurse kasi sa Amerika si Carol. Sabi niya sa kanyang post, “New gear. Just got word that I will be floating out of my home unit starting next week to train and help out other units in the next few weeks. Preparing for the incoming surge of #covidpatients. Grateful to receive this added protection just in time. Here we go…”
At least, nakaka-proud na isang frontliner si Carol, huh!
Ang bongga!
Pokwang at dyowa nag-share ng blessings sa mga kinakapos
Nakaka-proud din ang comedienne na si Pokwang at ang tatay ng anak niyang si Malia, si Lee O’Brian.
Napabalita na may stranded familes silang mga tinulungan.
Binigyan daw nina Pokwang at Lee ng relief goods ang stranded families. Actually, marami pa silang ibang mga natulungan.
Ka-chat ko si Pokwang kahapon at binanggit ko sa kanya na isusulat ko ang tungkol doon para pamarisan din siya ng iba.
Sabi ni Pokwang, isang friend daw nila na taga-Airforce ang nag-text kay Papang Lee (Mamang naman ang paboritong tawag sa kanya) na baka puwedeng makahingi ng donasyon para sa mga pamilyang na-lockdown at medyo kapos nga.
Siyempre, matulungin naman talaga ang mag-sweethearts, kaya donate naman kaagad sila!
Naku, sana pamarisan ang pagiging matulungin nina Pokwang at Lee.
‘Yun na!