Pang-mayamang balat, puwedeng-puwede pala

Dahil sa kung anu-ano na lang ang ginagawa ko habang nasa bahay, pati iyon good effect ng lotion sa balat napag-aralan ko na. Hah hah. Kung nung bata pa pala ako ay gumamitna ako ng body lotion, sana kutis mayaman ako ngayon. Iyon tipong malambot at makinis ang skin.

Totoo palang may good effect ang lotion sa balat dahil in one month na inuubos ko iyon mga giveaway na lotion na binibigay sa presscon at itinambak ni Mel sa isang sulok, napansin ko na medyo lumambot ang balat ko, hah hah.

Dapat pala talaga i-moisturize mo ang skin mo para magmukha ka ring rich crazy Asian hah hah.

Dahil hindi ako gumagamit ng lotion nung bata pa ako, hayun maitim at dry ang siko ko kaya poor ugly Asian ang peg ko.

Dapat noon pa ako nag lotion na ako, huh huh.

Now na 73 na ako wah na siya effect kahit minuto minuto ko pang lagyan balat ko, huh huh huh.

Pero ‘di bale, malay mo naman, magkaroon ng himala.

Hahaha. Ito talaga ang nagagawa ng quarantine.

Ultramega, nagbigay sa ABS at GMA

Ang bait naman ni Mang Erning Lim ng UltraMega Supermarket. Birthday pala niya lastApril 8 at talaga raw  na-feel niya na mas naging memorable nang magbigay siya sa mga apektado ng covid 19.

Imagine mo iyon ginawa niyang donation both sa ABS-CBN at GMA na mas malaki raw ang tiwala niya dahil nakita nila na talagang napapaabot sa lahat ang mga donasyon.

Hanga nga siya sa 2 istasyon sa pagtulong at pamimigay nito sa mga malalayong lugar. Ang pamilya talaga ni Mang Erning Lim ng UltraMega Supermarket talagang bukas ang palad sa pagtulong.

Show comments