Kahit matanggal na ang ECQ mga sinehan, malabong mag-operate

Trending sa Netflix ang pelikulang Born Beautiful, official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Starring Martin Del Rosario, Christian Bables and Paolo Ballesteros, ang pelikula ang spinoff ng Die Beautiful and top grosser ng PPP 2019.

Every September ginaganap ang PPP at wala pang update si FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chairperson Liza Dino kung itutuloy ang PPP 2020 na bago nagkaroon ng enhanced community quarantine ay noon pang January may advisory na sa September 11 to 17, 2020 gaganapin at 10 movies ang magiging official entry.

Pang-fourth year na sana ito ng PPP.

This year’s PPP din sana will conclude Sine Sandaan, ang year-long celebration ng hundred years of Philippine cinema na pinangunahan ng PPP at nagkaroon ng kick off noong PPP 2019.

Postponed na this year ang 2020 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival due to covid. Gaganapin sana ito sa August 7 and August 16.

At kung hindi rin sa covid-19, last Black Saturday sana ang opening day ng eight official entries ng 1st Metro Manila Summer Film Festival.

Hanggang end of April pa ang ECQ at kahit diumano i-lift ito ay kasama ang mga sinehan sa hindi agad papayagang mag-operate para nga ma-avoid pa rin ang pagkalat ng coronavirus.

Ang movie and TV workers ang kasama sa matinding ‘nasapul’ ng virus.

Nawalan ang lahat ng trabaho lalo na ang mga per project na workers.

Show comments