Happy Easter, Ateng Salve and siyempre, to all our readers!
Alam n’yo, bilib din ako sa mga fan ng PBB alumna na si Miho Nishida, kahit lockdown dahil sa Luzon-wide enhanced quarantine, aba, nakakabili pa rin sila ng kopya ng PangMasa, huh!
Nag-message nga sa akin si Miho para magpasalamat.
Ipinadala niya sa akin ang kuha ng isang fan sa hard copy ng column ko dito.
Actually, panay rin ang message sa akin ng mga fan ni Miho at ang sabi, “Kahit walang masyadong ganap sa career ni Miho, hindi n’yo po siya nakakalimutang isulat. Salamat po, Sir Jun, nakaka-happy ang support ninyo kay Miho!”
Pero, Ateng, na-happy rin naman ako kay Miho at sa kanyang mga fan dahil marunong silang magpasalamat. Sa panahon ngayon ng COVID-19, sasaya ka sa ganoong gesture nila!
Anak ni Sunshine hindi natulad sa kanya
Ka-text ko naman si Sunshine Cruz.
Nag-congratulate ako sa kanya dahil happy siya na ang panganay niyang anak na si Angelina Cruz (sunod sa apelyido ng nanay ang ginagamit niya bilang screen name) ay graduate na ng high school.
A week ago pa sana ang graduation ceremony ni Angelina, pero dahil nga sa COVID-19, hindi pa nangyayari ‘yon.
Anyway, sa text sa akin ni Sunshine, ikinuwento niyang business management ang course na kukunin sa college ni Angelina. “May school na siya, pero ayaw ipabanggit, pero sabihin ko rin sa ‘yo, huwag mo na lang isulat. Pero tanggap na siya, kaya I’m happy, may kolehiyala na ako!” sabi ni Sunshine.
Si Sunshine, dahil naging abala sa pag-aartista, kaya natagalan bago nakakuha ng diploma sa bachelor’s degree in psychology.
Natapos niya ang college course niya noong March 2017 sa Arellano University sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program ng the Commission on Higher Education (CHED)’s alternative education program for working professionals.
At least, si Angelina nga naman, makakapag-college kaagad pagkatapos ng kanyang high school!
Online concert uso na...
Mamayang 8:00PM naman sa Facebook page at YouTube account ng Cornerstone Entertainment, Inc. ay mapapanood ang kanilang Kantahanan: Isang Pagsaludo sa mga Mahal Nating Frontliners.
Star-studded ‘yon dahil kasama sina Catriona Gray, Yeng Constantino, Moira, Erik Santos, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Rachelle Ann Go, Jaya, Kyla, K Brosas, Jason Marvin, Jay-R at Jason Dy. May special participation din sina Ruffa Gutierrez, KC Concepcion, Julia Montes, Sam Milby at iba pa.
Ang bongga! ‘Yun na!