Tawa ako nang tawa Salve kay Tonton Gutierrez. Noon daw dahil sa pareho silang busy ni Glydel Mercado, parang guilty sila na sa konting oras lang nila nakikita ang mga anak na sina Aneeka at Aneeza. Ngayong lockdown at may quarantine, araw at gabi, buong araw silang magkasama, nanonood ng TV, naghahanda ng pagkain at talagang kuwentuhan buong araw.
Lately daw ay napapansin niyang parang nagkaroon ng overdose ang mga anak nila ni Glydel sa presence nila, hahaha.
Hindi raw tulad ng mga unang araw na excited ang mga anak, ngayon parang bored na silang kasama ang mga magulang at naubos na raw ang topics na pinagkukuwentuhan nila, hahaha.
Talagang domesticated couple sina Tonton at Glydel na mas natutuwa na nasa bahay lang sila, lalo pa at ang hilig ni Glydel ay mag-experiment ng kung anu-anong luto.
Family time talaga.
Mga nangdi-discriminate sa health workers daig pa ang tinamaan ng virus
Hanggang ngayon hindi maabot ng isip ko Salve ang sinasabing discrimination sa mga tinamaan ng COVID-19, sa pamilya nila, at sa health workers na alam nilang merong contact sa mga nagkaroon ng virus na ito.
Nakakaloka dahil hindi ba totoo na dapat mag-ingat, totoo na ayaw mong mahawa, pero para pandirihan sila at maging unfair sa treatment sa kanila, para bang yung tao na nag-discriminate mas matindi ang naging tama ng virus.
Parang noong panahon na kinatatakutan ang ketong, ang merong tuberculosis, pero ngayon, heto at napraning na sila sa COVID-19 at nawala na naman ang katinuan sa takot.
Ang nakakainis, pati mga healthworker pinaalis sa bahay na inuupahan, merong sinaktan pa dahil baka raw magdala ng virus sa lugar nila, crazy ‘di ba!
Huwag mong sabihing yung coronavirus iniba na rin pati ang pagiging tao natin at para tayong walang isip na basta na lang mag-discriminate. Dapat nga maawa tayo dahil nagkasakit sila at dapat pasalamat tayo doon sa mga hospital staff at healthworkers? Virus ang corona hindi tililing sa utak noh!