FDCP nag-umpisa na sa pamimigay ng tulong sa mga nawalan sa showbiz

MANILA, Philippines — Sisimulan na ngayong linggo ang pamamahagi ng financial assistance sa filmworkers mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) na proyekto ni Chairperson Liza Dino-Seguerra.

Pero uunahin daw muna nila ang mga low-income workers na talagang nangangailangan.

Tinawag na niyang DEAR Action Program, para ito sa mga freelance audio visual content workers na hindi regular employee ng isang network o film production. “Ang prinioritize namin this week ay ‘yung low income, ‘yung mga technical crew, mga staff na mababa lang talaga ang kinikita,” pakli ni Liza nang nakapanayam namin sa DZRH nung Sabado ng gabi.

Halos 50 na raw ang mabibigyan nila ngayong araw dahil nakakapag-submit na sila ng request na in-assist ng mga staff ng FDCP.

“Nakita ko kasi lahat na sinabmit nila. Mga lightmen, crew, mga utility, boom man. Iba yung nakikita mo sila ngayon sa isang database,” pahayag ni Liza.

Samantala, ngayong araw din ay ilulunsad ni Liza ang isa pang financial assistance na ibibigay naman sa mga freelancer movie press na natigil sa trabaho nila nang tumigil ang operation ng ibang dyaryo.

Para sa mga interesadong mag-request, maari kayong makipag-ugnayan sa FDCP tel 0917-8003227 o mag email sa dearnatiionalregistry@fdcp. (

Show comments