^

Pang Movies

Boyet ginamot na rin ang problema sa ribs

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Boyet ginamot na rin ang problema sa ribs

May inside information kaming nakuha mula sa isang kaibigan naming doctor na nagsabing sa kanilang ospital pala na-confine si Boyet de Leon.

Sabi niya, sa ngayon daw ay masasabing naka-recover na si Boyet dahil hindi naman talaga malala ang tumama sa kanya. Nagkaroon lang siya ng slight symptoms.

Pero ang isa pang nakita sa kanya ay ang problema niya sa ribs, na dahil nga raw sa isang aksidente na kanyang kinasangkutan in the past, at dahil nasa ospital na rin, pati iyon ay ginamot na rin. Isa rin daw kasi iyon sa mga dahilan kung bakit siya nahirapang huminga.

Marami naman daw talaga ang tinatamaan ng Covid19, pero ang karamihan daw sa mga tinatamaan ay slight lamang ang infection at inaasahan nilang makaka-recover din agad.

Ang dahilan lang kung bakit sila ikino-confine sa mga ospital ay para maiwasang makahawa pa sila, o may malipatan pa ang virus na mula sa kanila, o madagdagan iyon kung malipatan pa sila ng galing sa ibang carrier ng sakit.

Pero kung susundin nga lang daw ang mahigpit na quarantine, hindi na kakalat ang virus at matatapos na ang problema nating ito.

Next week, idi-discharge na si Boyet dahil tapos na rin ang itinakdang quarantine para sa kanya.

Mga edad 60 sa Italy na nagkaka-covid, hindi na ginagamot?!

Nag-aalala raw ang aktres na si Alessandra de Rossi dahil sa kanyang mga magulang at iba pang mga kaanak na ngayon ay nasa Italya, na sinasabing may pinaka-mataas na kaso ng Covid19.

Lalo siguro siyang mag-aalala kung maririnig niya ang kuwento ng isang medical worker sa Italya na nagsabing dahil sa kakulangan na nga ng facilities sa ospital, kakulangan ng test kits, at mga medical workers, ang nangyayari ngayon sa kanila, basta ang pasyente ay over 60 na ang edad, hindi na ginagamot.

Delikado nga kung ganoon ang tatay ni Alessandra. Pero ano ang magagawa niya? Hindi niya maaaring kunin ang tatay niya para dalhin sa Pilipinas. Hindi rin naman siya maaaring magpunta sa Italya dahil sa lockdown. Dapat talaga magdasal na lang siya.

Mga deboto ni Padre Pio may dasal tuwing 9 PM

May isang grupo ng mga star na deboto ni Santo Padre Pio na nagkasundong magdadasal tuwing ika-siyam ng gabi, para hingin ang tulong ng santo para sa mga may sakit, at sa mga nangangalaga sa kanila.

Kahit na sino maaaring sumabay sa kanilang panalangin kay Padre Pio tuwing alas-9 ng gabi.

BOYET DE LEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with