Dahil sa community quarantine sa Metro Manila, natigil muna ang taping ng reunion teleserye nila Lovi Poe at Benjamin Alves na Owe My Love.
Nakapag-first taping day na sila at pinost ito ni Benjamin sa kanyang Instagram ang kanyang excitement dahil muli silang magtatambal ni Lovi na huli niyang nakatrabaho ay noong 2015 pa sa teleserye na Beautiful Strangers.
“From Mylene and Paolo, Andrew and Andrea, Lawrence and Joyce, and now Doc Migs and SenSen! I’m so glad that after 5 years I’m reunited with my first leading lady ever - @lovipoe! It’s gonna be a riot darling. Comedians na tayo! Heheh! Owe My Love coming soon on GMA Telebabad.”
Noong nag-taping nga raw sila, merong health workers na nagtsi-check sa kanilang temperature at blood pressure. Lahat daw sila sa set ay may face mask at may bitbit na alcohol.
“I’m more particular with personal hygiene. Kung noon sobrang hindi ako nagpapabaya when it comes to hygiene, lalo na ngayon that there are already several cases of the virus in the Philippines. I wash my hand every so often and I have alcohol with me all the time. Kailangan laging malinis and I don’t touch my face,” sey ni Lovi.
Hindi lang daw ang taping ng Owe My Love ang naka-hold, pati trips abroad ni Lovi ay cancelled lahat.
“It’s better to be safe than sorry. I have some bookings that have been cancelled like gracing a store opening in the Middle East. Nakakahinayang because the talent fee is good but nag-iingat lang din sila so I understand.
“I was also scheduled to attend an international film festival in Italy where my movie Latay is in competition. The festival has been cancelled too. It’s understandable, of course because Italy is hit hard by Covid-19. The entire country is now on lock down.”
Si Benjamin naman daw ay aminadong germaphobe o taong obsessed sa kalinisan at takot sa germs.
“People with me in the house and my driver all know that I always ask for rubbing alcohol for my hands. Nowadays, because I also read that the coronavirus stays long on clothes, I get out of them and take a shower the moment I get home and change to a clean house clothes.”
Marami rin daw na tinanggihan na imbitasyon si Benjamin dahil sa outbreak ng virus sa bansa.
“If I know that there will be big crowds, I beg-off na lang from invitations for now. If it cannot be avoided, I see to it that I have a face mask and alcohol or hand sanitizer with me.
“With the danger of catching the virus, I’ve really become conscious of going to crowded places. If there is nothing important to do outside, I just stay home.”
Kahit ang hilig niyang mag-travel ay natigil dahil sa pangyayari ngayon.
“I was traveling in between tapings. Kahit three days lang ang bakante, I would travel. But with what’s happening now, hindi muna ko mag-tra-travel.
“You can never tell what you may catch in places that you visit. I also don’t want to jeopardize the production if I end up being quarantined.
“It’s a minimum of two weeks if you are cleared of the virus. But if you are sick, it will take you longer to recover so the production will suffer.”
Tulad nila Lovi at Benjamin, apektado rin sa stop taping ng teleserye ang mga kasama nila na sina AiAi Delas Alas, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Ruby Rodriguez, Kiray Celis, Jason Francisco, Long Mejia, Pekto Nacua, Brod Pete, Buboy Villar, Divine Tetay, Donita Nose, Jon Gutierrez a.k.a. King Badger of Ex Battalion, Jelai Andres, Jessa Chichirita, Angel Velasco, Mahal, Ryan Eigenmann, and Winwyn Marquez.
Mercedes Cabral namangha sa Parasite actor na nakatrabaho
Masuwerte ang indie actress na si Mercedes Cabral dahil nakatrabaho pala niya sa isang Korean film ang isa sa bida ng Oscar winning film na Parasite na si Song Kang-ho.
Si Song Kang-ho ang gumanap na driver na pinatay ang kanyang amo sa Parasite.
Nagkatrabaho sina Mercedes at Kang-ho sa 2008 Korean film na Thirst na nanalo ng jury prize sa Cannes Film Festival.
Kasabay nga raw ng Thirst sa Cannes ang isa pang pelikula ni Mercedes na Kinatay ni Brillante Mendoza.
Ayon kay Mercedes, isang intense at brilliant actor si Kang-ho. Palabiro raw ito sa set pero kapag nasa harap na raw ng kamera ay napakaseryoso. Tinulungan pa raw siya nito sa kanyang mga Korean lines sa mga eksena.
Ang maganda raw sa pakikipagtrabaho sa Korean actors, napaka-professional daw nilang lahat at walang mga diva attitude. Pantay-pantay daw ang trato ng production sa lahat ng mga artista sa set.
Kaya noong mapanood daw ni Mercedes ang Parasite, namangha pa rin siya sa husay sa pag-arte ni Kang-ho.
Pitch Perfect star tuloy ang kasal!
Hindi na-postpone ang wedding ng Pitch Perfect star na si Brittany Snow kahit na may banta na ng COVID-19 sa California.
Kinasal si Brittany sa kanyang realtor fiancé na si Tyler Stanaland sa isang intimate outdoor ceremony sa Cielo Farms in Malibu, California noong nakaraang March 14.
Suot ni Brittany ang isang Jonathan Simkhai white wedding gown na long-sleeved with a low back. Si Tyler naman ay naka-black tuxedo with Converse shoes.
Natupad ang wedding na gusto nila na “low-key and not stuffy”.
At kahit may pandemic, dumating ang higit na 100 guests ng newly-weds at walang social distancing na naganap.