I-share ko lang ang isang video na ipinadala sa amin na may title na “Jesus in the Eucharist Goes Out in Italy During NCov19.”
You cannot help but cry habang pinapanood ito na naglalakad ang isang pari, may kasunod siyang may hawak na umbrella sa streets ng Italy.
Hindi sinabi kung saan iyon, but probably mula sa Vatican, naglakad sila.
Supposedly, ginagawa lamang ito kapag Holy Eucharist procession sa loob ng church, but this time, inilibot ito sa streets doon, na makikita mong ilan-ilan lamang ang mga tao sa kalye, yung mga Catholic, lumuluhod kapag dumaraan sa harapan nila ang Holy Eucharist, dahil iyon ang dapat.
Caption ng nagpadala sa amin ng video: “We are experiencing another History in the Making. Every 100 years, there are plagues – 1720 – bubonic plague, 1820 – cholera outbreak, 1920 – Spanish flu, now, 2020 – Covid-19. God be with us.”
Arnell na-miss gumawa ng movie
Balik-Viva Entertainment si Arnell Ignacio. Last Thursday, pumirma na muli ng kontrata si Arnell, a five-year contract under Viva Entertainment, sa harap ni Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Artist Agency (VVA).
“It’s nice to be back,” sabi ni Arnell. “Hindi ko na alam kung ilang taon na simula ng huli akong gumawa ng project sa Viva, nasa Scout Albano, Quezon City pa ang office nila noon. Marami na akong ginawa, pero babalik at babalik ka pa rin pala kung saan ka nagsimula.”
Ano ang mga project na gagawin niya sa VVA?
“Ipinababahala ko na sa Viva kung ano ang ibibigay nila sa akin. May nagsasabi na bumalik akong mag-host ng game show, tulad noon, na nag-host ako ng Go, Bingo! pero marami nang ganoong show, iba naman sana. Sabi ni Boss Vic (del Rosario), kinausap na niya ang GMA Network para sa isang project. Pero sinabi ko na rin na gusto ko namang umarte, gusto kong gumawa ng movie at special request kong makasama si Roderick Paulate, ang sarap kasi niyang makasama sa isang project, makabatuhan sa mga eksena, matagal ko nang wish iyon. Gusto ko ring gumanap na isang kontrabida.”
Pero baka hindi rin daw matanggihan ni Arnell ang bumalik magtrabaho sa gobyerno. Kung sakali, saang department siya muling hahawak ng puwesto?
“Sa OWWA pa rin ng DOLE ko gusto, iyong dati kong hinawakan noon. Gusto ko pa rin na may interaction ako sa ating mga OFWs (Overseas Filipino Workers), ang minahal kong trabaho noon, kahit medyo mahirap.”