Unang Summer Filmfest, kanselado!

Mga producer ramdam na ang pagkalugi

Malaking oportunidad ang nawala sa independent producers na may entry sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival.

Tuluyan nang kinansela ang event dahil sa COVID-19.

Wala pang katiyakan kung kailan ito mangyayari.

Our heart goes to all the producers. Lugi na sila dahil nakatengga ang ginastos nila sa movie. Eh ang ugali pa naman ng Pinoy viewers, kapag nabantilawan na ang isang movie para sa festival, nawawalan na rin sila ng ganang panoorin ito dahil parang napaglumaan na, huh!

Eh after April, nariyan na ang rainy season. Ang pangit namang sabihin na ito ang First Rainy Film Festival, ‘di ba?

Matapos ang announcement sa quarantine sa Metro Manila, abangers na ang lahat kapag nagsimula na ito sa Linggo kung ano ang mangyayari.

Eh sa mundo naman ng telebisyon, hindi puwedeng tumigil ang mga network sa taping ng daily series nila dahil wala silang ipalalabas, huh!

Basta ang bottom line, maraming luging negosyo dahil sa coronavirus.

Imagine, ‘yung one month na tutunganga ang karamihan?

Maliit man na negosyo ang entertainment business, maraming tao ang umaasa rito!

Show comments