Nagpa-panic ako dahil nauudlot ang libangan ko na manood ng TV. Heto na naman kasi ang SkyCable, wala na namang connection.
Una kong tiningnan ang resibo ko dahil baka naman hindi ako nakabayad pero meron pa akong cash advance.
Wala namang sumasagot sa customer service nila.
Hindi ko tuloy alam kung pinutulan na kami ng PLDT dahil hindi ko ma-contact.
Humingi ako ng tulong kay Pat P. Daza dahil ano ang gagawin ko kung walang signal ang SkyCable. Hindi ko mapapanood ang news eh sa panahon ngayon dapat alam mo ang mga nangyayari sa paligid.
Please SkyCable ayusin n’yo na ang cable ko, huhuhu. Baka tuluyang mag-lockdown, ano gagawin ko?
Ryzza Mae nakalibre sa condo
Kesa naman mag-panic ako at ma-stress sa COVID-19, paglaruan ko na lang ang tenant sa unit ko. Hah hah. Blind item muna para hindi siya mawalan ng privacy.
Ang alam ko, iba ang condo unit sa aksesorya o room na pinauupahan sa mga private residence. Pag condo unit medyo merong classy appeal dahil nga isa siyang condominium. Pero na-shock ako nang sumilip ako sa unit ng tenant ko, may nakasampay na damit instead of drapes, meron boxes sa sahig at halos wala kang malakaran, sira ang pinto ng kabinet at basag ang marble top.
Natakot na nga akong tingnan ang banyo dahil baka himatayin na ako.
Parang isang room for rent sa Sampaloc area ang pinasok ko na room, hindi kuwarto sa isang condominium sa Timog area.
Sure ako na malaki ang magagasta sa renovation ng unit pag iniwan ng tenant dahil halos hindi mo na makilala ang dating unit ni Ryzza Mae Dizon, na tumira ng almost a year sa unit at in fairness kahit malikot na bata si Ryzza Mae dahil hindi nasira ang unit.
Sana magkaroon na ng time ang busy tenant na ayusin ang mga small repairs ng unit, at sana totoo ang sinabi ni Gorgy Rula na OA sa pagiging OC ang famous na tenant sa unit ng Imperial Palace ni Mother Lily Monteverde.
Hulaan n’yo kung sino ang famous tenant na ginawang chipipay ang sosyal na unit na dating tinitirhan ni Ryzza Mae Dizon?
Ang makahula ihihingi ko ng regalo kay Ryzza Mae dahil rent free naman siya tumira sa unit na iyon, hahaha!
Punta ako ng Congress, complain ako, ano sa palagay mo, Salve?
Mga pangyayari ngayong 2020, ratratan talaga
Siguro ang saya-saya ni Aries dahil walang pasok, Salve. Pero si MJ, mas gusto na merong school dahil nagkikita sila ng mga kaklase niya. Maraming mga bata ang na-shock sa mga suspension ng klase nila dahil hindi pa bakasyon, pero wala nang pasok.
Naku, sana merong mga mahalagang activities na maisip ang mga parent para sa mga anak nila ngayon na sure ako, restless dahil dapat nasa bahay lang at hindi puwedeng kakalat-kalat sa kalye at malls.
Hindi rin puwede iyon mass gatherings, mga activity na maraming tao ang involve dahil meron distancing at bawal nga ang crowd para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Grabe, summer na mainit at mas mainit ang mga pangyayari dito sa Pilipinas.
Wow na wow, kaloka ang year of the rat, talagang ratratan ang mga pangyayari. Inumpisahan ng volcanic eruption, ngayon naman merong coronavirus.
Ano ba iyan?