^

Pang Movies

Karen gallman ikinasal na rin!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Karen gallman ikinasal na rin!
Karen

Kung inaabangan na ng publiko ang grand wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na gaganapin sa Bonifacio Hall ng Shangri-La at the Fort, BGC in Taguig City sa dara­ting na March 14, 2020, nauna nang nagpakasal nung nakaraang March 3, ang dating beauty queen at Miss Intercontinental 2018, ang Fil-Australian na si Karen Gallman sa kanyang fiancé na si Ian Garton. Ang dalawa ay ikinasal sa Stoneridge Estate in Queenstown, New Zealand, isang lugar na hindi kalayuan kung saan ikinasal sina Anne Curtis at Erwan Heussaff .

Si Karen ay tubong Bohol na siyang hometown ng kanyang Filipina mother na isang teacher na si Editha Boyonas habang Australian naman ang kanyang ama na si Gavin Gallman, Sr.,

Taong 2000 nang sila’y mag-relocate sa Australia at doon na rin nag-aral ng college si Karen sa University of Queensland, Australia kung saan siya nagtapos ng Business Management majoring in International Business.

Bago pumasok sa pagiging beauty queen si Karen ay nagtrabaho ito sa isang consulting firm in London.

Samantala, kakaiba naman ang prenup shoot ng soon-to-be Mr. & Mrs. Richard Gutierrez dahil ginawa nila ito underwater sa El Nido in Palawan.

Since ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang kanilang grand wedding, kakaibang excitement naman ang nadarama ngayon ng engaged couple habang papalapit ang kanilang ‘Big Day’.

Celebrity and star-studded ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Richard at Sarah kung saan kasama sa grand wedding entourage ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.

Kung itinago sa publiko maging sa parents ni Sarah ang secret Christian wedding ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, mapapanood naman ng buong Pilipinas at maging ng ating mga kababayan sa ibang bansa ang kasal nina Richard at Sarah dahil iko-cover ito ng ABS-CBN at gagawing TV special.

vuukle comment

KAREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with