^

Pang Movies

Pinagbabaril malapit sa tirahan Kim puntirya talaga ng gunmen?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Edited na ang post ni Kim Chiu sa Instagram (IG), binura na nito ang part na kung saan, sinabi niyang dapat sa mga namamaril, binabasa munang mabuti ang plate number ng target nila. Nawala na sa original post niya ang line na “Sana tinitingnan nyo muna ang plate number bago nyo paulanan ng bala yung kotse ko.”

Pinayuhan din si Kim to be careful sa mga sine-share sa subscribers niya sa vlog dahil nabanggit pala nito sa kanyang vlog kung saang parte ng van siya laging nakaupo. Kung saan ang favorite spot niya dahil ‘yun ang pinuntirya ng riding in tandem na nagpaulan ng bala sa kanyang van.

May naniniwala pang inabangan si Kim ng gunmen dahil ang location kung saan nabaril ang sasakyan niya ay malapit sa kung saan siya nakatira. In fact, pagkalabas lang daw ng village nangyari ang lahat, baka raw inabangan talaga siya.

Pero, hintayin natin ang imbestigasyon ng mga pulis at malalaman din natin ang totoo. Pero, tama ang payo ng netizens sa mga celebrity na bawas-bawasan ang pagse-share ng mga info sa sarili nila online dahil hindi lahat nang nakakapanood o nakakabasa ay natutuwa.

Marian hinahanapan ng reaksyon sa halikan nina Jennylyn at Dingdong

Nakakatuwa si Coco Martin, tumatawid sa Instagram (IG) account ng Kapuso stars at nagko-comment. Kundi man mag-comment, nagpo-post siya ng emoji.  Ilang beses na itong ginawa ni Coco at ang pinaka-latest ay sa IG ni Dennis Trillo.

Nag-post ng thumbs up sign emoji si Coco sa post ni Dennis tungkol sa Cat Cafe nila ni Jennylyn Mercado na tinawag nilang Litterbucks Cats, Caffeine, Cookies and Tea.

Hindi kami magugulat kung isang araw, pumunta sa Litterbucks si Coco para tingnan at makalaro ang 13 or more cats nina Dennis at Jennylyn. Friends sina Coco at Jennylyn mula nang magkasama sa 2019 Metro Manila Film Festival entry nila.

May request lang ang fans, sana raw i-promote rin nina Dennis at Jennylyn ang adoption ng rescued pushpins at ipalaganap na mahalin din ang local cats.

Speaking of Jennylyn, nakakatuwa ang comments ng viewers ng Descendants of the Sun na nakakalimutan nila minsan na may boyfriend si Jennylyn at may asawang Marian Rivera si Dingdong Dantes dahil nakakakilig ang mga eksena nila.

May curious lang na nagtanong kung napapanood ba ni Dennis ang DOTS at kung ano ang reaction sa kissing scene nila ni Dingdong. Gusto rin malaman ng fans kung napanood ba ito ni Marian at kung ano ang kanilang reaction?

Angel nag-thank you sa Kapuso

Ang pasasalamat ni Angel Locsin sa GMA Network dahil sa pinost ng network na litrato ni Angel na still ng Mulawin. Kasama ang photo ni Angel nina Jennylyn Mercado, Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Bianca Umali at ang cast ng reboot ng Encantadia nina Glaiza, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Kylie Padilla.

Ang caption ng post ay “GMA Network Ngayong National Women’s Month, the spotlight is on the memorable women of @gmadrama.”

Ang comment ni Angel, “Thank you @gmanetwork.”

Pinost din ni Angel ang trailer ng movie nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino na Ngayon Kaya na entry sa First Summer MMFF na ikinatuwa ng Kapuso fans. Nag-thank you ang Kapuso fans at fans ni Janine sa tulong ni Angel sa pagpo-promote ng movie na tampok ang Kapuso actress at Kapamilya actor.

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with