We bumped into Jackie Forster sa formal inauguration ng ikatlong branch ng Shinagawa Lasik & Aesthetics last Saturday afternoon na matatagpuan sa ika-21st floor ng Ore Central Bldg. along 9th Avenue and 31st Street in Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.
Napakaganda pa rin ni Jackie at age 41.
Masayang ibinalita ng ina ng magkapatid na Andre at Kobe Paras na dito ngayon sila sa Pilipinas mamimirmihan pero ang hindi lamang alam ni Jackie kung hanggang kailan dahil ang trabaho ng kanyang (second) husband na si Michel Franken ay tumatagal lamang ng halos tatlong taon or less at lilipat na naman sila ng ibang bansa.
“Nakaka-stress `yung palipat-lipat ng bansa,” pag-amin ni Jackie who informed us na siya’y magbabalik-showbiz ngayong narito sila sa Pilipinas. Bago sila nag-move ng Pilipinas ay sa Guangzhou, China sila namirmihan. Nasa Pilipinas na sila nang kumalat ang coronavirus na sa China mismo nagsimula.
Ngayong nasa Pilipinas na muli ang pamilya ni Jackie ay mas lalong madalas niyang makikita ang kanyang dalawang elder son sa kanyang ex-husband na si Benjie Paras.
Si Jackie ay may tatlong younger children sa kanyang present husband na sina Jared, Caleigh at Yohan. Si Michel naman ay nagtatrabaho sa isang multi-national company which requires him to work and move sa iba’t ibang bansa.
Almost 13 years na rin silang mag-asawa at thankful si Jackie dahil sa pagiging understanding and supportive ng kanyang husband lalo na pagdating sa kanyang elder sons.
Celebrities marami pang pasabog na kasal!
Isang simple and intimate civil wedding ceremony ang naganap last February 28 (Saturday) sa actress-politician na si Charee Pineda at ng kanyang husband na ngayon na si Martell Soledad, dating konsehal ng Valenzuela 2nd district kung saan ngayon konsehal si Charee.
Ang civil wedding ng dalawa ay ginanap sa City Hall ng Valenzuela at dinaluhan ng mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla.
Ang non-showbiz husband ni Charee na si Martell ay pinsan ng dati ring konsehal ng Valenzuela na si Shalani Soledad na misis na ngayon ni Pasig Rep. Roman Romulo.
Nauna nang ikinasal ang mga Kapuso actors na sina Megan Young at Mikael Daez nung January 10 sa Caleruega Church in Batangas na sinundan ng dalawa pang Kapuso talents na sina Juancho Trivino at Joyce Pring nung February 9 sa Sofitel Philippine Plaza (Hotel). Pangatlo naman ang secret Christian wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nung February 20 habang ang Kapuso actress na si Sheena Halili at ang kanyang husband na si Atty. Jeron Manzanero ay ikinasal naman sa Cosmopolitan Blue Leaf nung February 23.
Samantala, nung February 27 ay engagement naman ng dalawang director na sina Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone. Ang engagement ng dalawa ay ginanap sa Vatican City in Rome, Italy no less.
Sigurado ako, Salve A. na marami pang surprise celebrity engagements at weddings ang magaganap sa taong ito.
Ngayon naman ay inaabangan ang inaasahang celebrity and star-studded grand wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa darating na March 14 na nakatakdang ganapin sa isang five-star hotel in Metro Manila.
Kung sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay itinago sa publiko ang kanilang Christian wedding, kakaiba naman ang kasal na magaganap kina Richard at Sarah dahil ito’y matutunghayan ng publiko sa pamamagitan ng ABS-CBN na siyang exclusive na magku-cover ng grand wedding event ng soon-to-be-couple.
Marami rin ang nag-aabang sa kasal nina Angel Locsin at Neil Arce gayundin sa kasal nina Alex Gonzaga at Mikee Morado.
Ethel inilantad na ang anak
Ipinakita na rin sa wakas ni Ethel Booba sa publiko ang litrato ng kanyang bagong silang na baby na si Michaela or Little Booba na kung kanyang tawagin.
Si Baby Michaela ay first baby ni Ethel sa kanyang present partner na si Jessie Salazar na isang chef.
At 43, hindi akalain ni Ethel na magkakaroon pa siya ng sariling anak.
Inaasahan naman ng malalapit kay Ethel na kasunod na sana rito ang kanilang planong pagpapakasal ni Jessie.