^

Pang Movies

Carlo walang planong ilihim ang kasal

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Carlo walang planong ilihim ang kasal
Carlo

Kung magpapakasal man daw si Carlo Aquino sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza, wala raw siyang balak ilihim ito. Kahit pa raw na hindi naging maganda ang pagtatapos nila ng kanyang ex na si Angelica Panganiban.

No doubt one of the better actors of his generation, si Carlo, who started as a child actor tulad ni Angelica, ay hindi nauubusan ng TV assignment at pelikula.

In demand din siya sa pagiging endorser.

He endorses the products for men of Beautéderm.

New cologne daw ng Beautéderm ang gamit ni Carlo ngayon which is the reason why lagi siyang mabango at clean.

Currently, he is in the cast of A Soldier’s Heart series ni Gerald Anderson sa ABS-CBN kung saan gumaganap siya bilang kontrabida.

Direk Joel ayaw ipagkumpara sina Marco at Tony

Ayaw ipagkumpara ni Direk Joel Lamangan sina Tony Labrusca at Marco Gumabao sa isa’t isa na parehong leading man sa pelikula nilang Hindi Tayo Pwede with Lovi Poe.

Basta raw para sa kanya, parehong magaling ang dalawa, at pareho nilang naibigay ng todo ang mga love scene kay Lovi.

First time raw niyang maidirek sina Tony at Marco. Bagama’t may idea na raw siya how much of them is a ‘lover’ in executing their love scenes.

Simply intense raw ang performance ni Tony sa digital movie niyang Glorious with Angel Aquino, na mas matanda sa kanya ng ilang taon.

Equally engaging din naman ang intimate scenes ni Marco kay Anne Curtis sa Just A Stranger.

Para naman kay Lovi, naidirek na raw siya ni Direk Joel sa The Bride And The Lover, at hanggang ngayon daw ay tumatak daw sa isip niya ang love scene nila ni Paulo Avelino.

Hindi Tayo Pwede is a Viva Films presentation na mag-o-open in thea­ters nationwide on March 4.

Sheryn wala nang cancer

Excited ang nagbabalik singer na si Sheryn Regis sa kanyang concert on Friday, February 28, with Erik Santos, titled Back To Love, sa Music Museum.

Sheryn and Erik, if you recall, competed sa singing competition na Star In A Million noong 2003. Sheryn emerged first runner up to Eric, who was proclaimed grand champion. Ganunpaman, hindi naman ito nakaapekto sa kanyang kahusayan.

Later on ay na-earned niya rin ang title niya bilang The crystal voice of Asia.

Sa paglipas ng panahon, naging in demand si Sheryn, palagi siyang nagpe-perform for live events, concerts, TV shows, at maging ang mga theme song ng mga teleserye ay siya rin ang kumakanta. Pero kinailangan niyang iwan ang kanyang career nang mag-asawa ito at tumira sa U.S.

Hindi naman tinalikuran ni Sheryn ang pagkanta, nakapagturo siya ng music doon at naging concert producer din.

Until one day, nadiskubre niyang may throat cancer siya.

How is she now?

Sheryn replied, smiling: “I’m well, thank God.”

Sa presscon ng kanyang concert ay ini-announce ni Sheryn na babalik na siya ng full-time sa kanyang singing career.

Forty years old na si Sheryn ngayon.

Well, Sheryn, welcome back and the best of luck!

CARLO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad