Ligwak na ang pelikulang Walang Kasarian ang Digmaang Bayan (The Revolution Knows No Gender) na dinirek ni Jay Altarejos. Isa ang movie sa limang full length category entries sa Sinag Maynila 2020 na brainchild nina direk Brilliante Mendoza at Solar Films boss Wilson Tieng.
Naganap ang announcement nito last Tuesday sa Podium Hall, Ortigas Center.
Eh nagkaroon ng pagbabago nitong nakaraang mga araw. Nagdesisyon na ang namamahala sa indiefest na i-pull out na ito sa Sinag Maynila.
Bahagi ng statement na inilabas ng pamunuan, “The Executive Committee, after a thorough review, found that there is substantial deviation from the submitted ad approved script and that the Film is no longer a faithful representation of the approved script.
“Furthermore, Sinag Maynila reserves the right to disqualify and entry for failure to comply with its rules and regulations as well as the terms and conditions of its agreement with the filmmakers.”
Naglabas ng statement si direk Jay sa nangyari sa kanyang pelikula.
“The reason that Brilliante Mendoza and Sinag Maynila cited for their removal of Walang Kasarian Ang Digmaan from the festival is a flimsy way out to get rid of me and the film.
“Brilliante Mendoza, sa meeting na naganap noong Feb. 20 sa Solar office, isa lang ang hiniling ko sa inyo – SABIHIN NYO NA LANG ANG TOTOO sa statement nyo at susuportahan ko kayo o hindi ako magsasalita.
“Nagsasalita ako ngayon at patuloy pa na magsasalita sa mga susunod na araw dahil nagsisinungaling kayo.
“Iniimbitahan kita Brilliante Mendoza at ang Sinag Maynila na makipag-usap sa akin sa harap ng media para sagutin kung ano nangyari sa pagitan ng presscon, kung saan ipinalabas ang trailer, at sa nangyaring meeting nuong Huwebes.
“Tayo ba ay Martial Law na at ikaw ang tagapagpaganap sa sektor ng pelikula, Brilliante?
“Patuloy kaming makikipaglaban para sa tunay na kalayaan. Kalayaan sa pagpapahayag at kalayaan sa pamamahayag.
“Makakaasa kayo na sa bawat kasinungaling(an) na ilalabas nyo, babalikan ko kayo ng tatlong katotohanan.
“Salamat,” pahayag ni direk Jay sa statement.
Sa ipinalabas na trailer ng movie, may dayalog si Rita Avila na isa sa cast ng, ‘Ako mismo ang papatay kay Duterte!’”