Gary noon pa raw nag-ala Marcelito!

Biglang naging in demand si Marcelito Pomoy sa Amerika.

May series of shows lang naman siyang naka-schedule sa Amerika. Kaya naman todo pasasalamat ang singer na kinabiliban ng mga Amerikano sa America’s Got Talent The Champions kung saan siya naging 4th placer / 3rd runner up.

“WOW!!! Super thank you.... I just couldn’t believe that this is all happening now.. Up until now I feel like I am in Cloud-9... waaahhh... Thank you dear Lord Jesus Christ for everything that you have done for me... See you all in USA very soon.. To those who are interested to purchase our ticket.. details to follow.. just keep in touch... thank you... ”

Pero pinaalala ni Ms. Angeli Pangilinan na hindi lang si Marcelito ang may ta­lent na kumanta gamit ang boses ng lalaki at babae. “So Marcelito Pomoy thinks he’s the only one who has a unique talent ! Face with tears of joyFace with tears of joyFac e with tears of joyFace with tears of joyFace with tears of joy Check @GaryValenciano1  in GARY V HITS MUSIC MUSEUM in 2003 on his #ShowbackThursday and someone was in the audience @reginevalcasid  HILARIOUS !!!!!,” na caption sa kanyang #ShowbackThursday ni Gary V. sa  YouTube channel na iniiba-iba niya ang boses.

Pero may gadget siyang gamit.

Though ang kay Marcelito kasi ay live at walang gadget gadget.

Coco sumama sa human chain

Nakisali si Coco Martin ng FPJ’s Ang Probinsyano sa isinagawang human chain kagabi ng mga empleyado ng ABS-CBN at supporters sa panawagang franchise renewal ng network paikot sa compound ng Channel 2.

Pero wala raw maasahang sagot si Robin Padilla mula kay Coco ayon sa source.

Isa nga si Coco sa dinawit ng veteran actor sa mga hugot niya tungkol sa renewal ng franchise ng home network nila ng misis niyang si Mariel Rodriguez na nagli-like sa mga post ng mga Kapamilya stars tungkol sa opinion nila sa pinag-uusapang issue.

Show comments