Marian ready na uling magtrabaho

Marian

After 10 months, mula nang manganak si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa bunso nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na si Jose Sixto IV, ready na siyang balikan ang trabaho. 

Last Monday, ginanap na ang story conference ng isa sa pinakahihintay na serye sa 70th anniversary ng GMA Network, ang romantic-comedy na First Yaya na magtatampok for the first time kina Marian at Gabby Concepcion.

Sa story raw ay Vice-President of the Philippines si Gabby na biyudo pero may dalawang anak, isang babae at isang babae, at ang yaya nila ay gagampanan ni Marian. Kung hindi kami nagkakamali, halaw ito sa musical movie na Sound of Music.

Makakasama nina Gabby at Marian sina Pancho Magno, Sandy Andolong, Glenda Garcia, at first teleserye ito nina Baeby Baste at Cassy Legaspi, isa sa twins nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. 

Ang serye ay ididirek ni LA Madridejos na siya ring nagdirek ng katatapos na The Gift ni Alden Richards.

Pagkatapos ng story conference ni Marian, tumuloy pa siya sa renewal of contract niya, for Biofetea. Nagpasalamat si Marian sa muling pagtitiwala sa kanya ng Biofitea na ikalimang taon na niyang endorser ng produkto.

Kyline nawawala sa focus ‘pag tumatama ang mata sa superstar

Natupad na ang hinihintay ni Kapuso break out star Kyline Alcantara na makasama na sa eksena ng GMA Afternoon Prime na Bilangin ang Bituin sa Langit ni Ms. Nora Aunor.

Last Friday, February 14, naganap ang first scene nila at pagtatapat ni Kyline, kinilig at na-starstruck siya. “Ang naramdaman ko po nung first scene ko with Ms. Nora Aunor, ay kinabahan at kinilig ako,” kuwento ni Kyline. “Kapag kaharap ko po siya, parang normal lang ako pero kapag nakatalikod na siya, tinatapik-tapik ko ang shoulder ko. Nasabi ko nga kay Yasser (Marta, leading man niya sa serye), ‘kinikilig ako!’

“Then nung nakita kong parating na siya sa set at bago pa kami nag-block, kabado talaga ako. Kaya sabi ko ulit kay Yasser ‘kinikilig ako!’

“At totoo pala talaga, na-experienced ko na first hand na kapag tumingin ka sa mata niya, as in, parang mawawala ka talaga sa focus mo. Nawala talaga ako sa lines ko, legit! But I’m so happy and excited to have more scenes with her.

“Kasi iba rin naman pala siya talaga, kapag dumating siya sa set, in-character na agad siya. Hindi mo na siya makakausap as Ms. Nora Aunor kundi yung character na niya bilang si Cedes dela Cruz. And I’m so happy!”

Ang Bilangin ang Bituin sa Langit ay may world premiere sa Lunes, February 24, 4:20PM pagkatapos ng Prima Donnas.

Meanwhile, in-between ng taping ni Kyline, naisasabay niya ang rehearsals para sa guesting niya sa first Manila concert ng Japanese-based Korean singer na si Jang Hogyo titled Jang Hogyo Live sa Music Museum sa February 20. Makakasama ni Kyline ang Sexbomb Dancers, Yoowi Nakamura, Shekaina Valdehueza, at Ruru Madrid, sa direksyon ni Andrew de Real.

Show comments