Alonzo nagpasaya sa pasyente ng Child Haus

Sa ngalan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na pinamumunuan ni Pangulong Sandy Es Mariano, salamat sa lahat ng mga tumulong at nag-sponsor sa very successful na pre-Valentine treat na ginanap sa bulwagan ng Child Haus na matatagpuan sa Agoncillo Street, Manila.

Ito ay sa paanyaya ng philanthropist na si Mother Ricky Reyes. Ang saya-saya! Lahat ng PMPC members ay dumalo na naka-red. Napakarami ring special guest na um-attend at nag-alay ng dasal, sayawan, kantahan at palaro with matching mascot.

Present ang representative ng PhilamLife na si Alvin Aisle Clyde de Guzman, ang mga Tala dancer kasama na si Rona at iba pa. Pero the best ang performance ni Alonzo Muhlach kung saan kumanta at sumayaw  siya at pagkatapos ay nag-speech pa para makapagbigay ng lakas sa mga pasyenteng may cancer.

Kasama ni Alonzo siyempre ang kanyang erpat na si Niño Muhlach na kahon-kahon ang dalang special ensaymada at talaga namang napakasarap. Big asset kay Niño ang anak na si Alonzo, super pogi na, talented at napakabait na bata. 

Nagbigay din ng loot bags sa lahat ng pasyente ang PMPC na ang laman ay talaga namang magagamit nila tulad ng alcohol, sabon, colgate, toothpaste, face mask, toilet tissue, cottons at iba’t ibang klaseng mga biscuits at gatas plus datung para sa medicine ng mga pasyente.

Ang masarap na lafang ay prepared by Madam Daydee Castillo at Emee Duremdes. Salamat po sa PMPC, at sa mga bata huwag kayong mawawalan ng pag-asa pagagalingin kayo ni Lord.

Condolences…

Nakikiramay kami kay Bulacan Governor Dan Fernando and family na pumanaw na ang kanilang mahal na ina na si Mrs. Luningning Ra­mirez. Si Gov. Dan (Cesar Ramirez) ay nakilala ko sa first movie niyang Scorpio Nights thru Corazon Bernal na asawa ng kanyang Tito Jovito. Pinakilala ako and so on and so forth.

May the soul of Mom Luningning rest in peace now and forever amen! 

Condolence rin to the family of Nene Riego specially to Chinggay, her daughter. Pumanaw na si Nene at nakaburol ang kanyang mga labi sa Malabon. May the light of Perpetual Shine unto her, oh Lord, may your soul rest in peace now and forever, Amen.

Show comments