Opisyal nang Kapuso si Myrtle Sarrosa, effective February 16, bahagi na siya ng lumalaking pamilya ng GMA Artist Center (GMAAC). Si Myrtle ay former housemate ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 ng ABS-CBN.
Bale si Myrtle ang latest Kapamilya star na tumawid sa bakuran ng GMA Network.
Ayon sa aming source, nag-audition at nakapasa si Myrtle sa Voltes V: Legacy Live Action remake. Ang Voltes V ay ipinost na ni Direk Mark Reyes na susunod na project na gagawin niya sa GMA at kasalukuyan na niyang pinaghahandaan dahil sa mga special effects na gagamitin. Sa ngayon ay binubuo pa ang cast ng Voltes V.
Nagsimula ang showbiz career ni Myrtle in 2012 pagkatapos niyang maging grand winner ng PBB. Nakilala rin ang young actress bilang isang cosplayer, singer, disc jockey at dancer. Tinapos ni Myrtle ang BA Broadcast Communications sa University of the Philippines, Diliman as a cum laude.
Mga kasaling bata sa Centerstage parang matatanda kung kumanta
Madaling nagustuhan ng mga netizen ang original concept ng GMA Network na musical competition for kids na Centerstage. Hindi raw complicated kung paano mapipili ang mananalong contestant at hindi magulo, dahil every Sunday, apat lamang ang contestants.
Si Alden Richards ang main host at sa opening number, kasama niyang nagpi-perform ang mga contestants.
Dalawa silang pairs, sa unang round, magkasamang kakanta ang unang pair, sagutan sila ng stanza ng kanta. Then sa second round, solo song each sila. Ganoon din ang ginawa ng pangalawang pair. Sa pamamagitan ng panel of voters na pinili sa loob ng studio, iboboto nila kung sino ang dapat manalo. Susundan ito ng boto ng tatlong Judges, si international stage diva Aicelle Santos, musical director Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez. Ang mapipiling winners sa dalawang pair, sila naman ang maglalaban para mapili kung sino sa kanila ang tutungtong sa centerstage.
Inamin ng mga judge na nahirapan silang pumili ng winners dahil pare-pareho silang mahuhusay, biro nga nila kay Alden, akala nila mga bata ang contestants, pero parang adults na sila kung kumanta.
Ang ikinaiba rin ng contest, ang mananalong winner ay tatanggap na ng cash prize
Sa susunod na Linggo, February 23, ganoon muli, dalawang pairs at pipili sila ng winner. At ang mapipiling winner, lalabanan ng winner number one at doon malalaman kung kaya niyang ipagtanggol ang kanyang panalo para manatili siyang nakatapak sa Centerstage.
Si Betong Sumaya as co-host ni Alden, ang kasama ng family ng contestants na umaalalay sa kanila kapag pipiliin na ang winner.
Napapanood ang Centerstage every Sunday, 7:40 PM.