John Lloyd bibida sa last movie ni direk Cathy?!

May dalawa pa umanong movie ang nakatakdang gawin ni Direk Cathy Garcia-Molina under Star Cinema bago niya tuluyang lisanin ang pagdidirek at mag-migrate sa New Zealand with her family.

Nakatakdang gawin ni Direk Cathy ang After Forever, her reunion project with lovebirds na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na huli niyang idinirek sa blockbuster movie na The Hows of Us in 2018.

At ang last movie umano ni Direk Cathy ay ang balik-tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo pero ayaw itong i-confirm o i-deny ng blockbuster lady director.

Ngayong hiwalay na sina John Lloyd at ex-girlfriend nitong si Ellen Adarna kung kanino siya may isang anak, ang almost two-year-old na si Elias Modesto, kailangan na sigurong balikan ng actor ang kanyang acting career. After all, nag-iisa lamang ang John Lloyd Cruz sa showbiz.

South Border laging nilalayasan ng mga member

Nasaan na kaya ngayon ang unang lead-vocalist ng South Border band na si Brix Ferraris, ang ex-husband ng TV host at radio anchor na si Amy Perez kung kanino siya may isang anak na tinedyer na ngayon na si Adi?

Magmula nang kumalas si Brix sa South Border to go solo ay hindi na ito nabalitaan pa since then.  Para itong bula na bigla na lamang naglaho.

Nang umalis si Brix sa South Borner ay ipinalit sa kanya si Luke Mejares na pagkaraan ng ilang taon ay nag-solo rin.

Ang pangatlong frontman ng South Border ay si Duncan Ramos na tulad nina Brix at Luke ay umalis din sa grupo pagkaraan ng ilang taon.  Ang pang-apat na lead-vocalist ng banda ay si Kell Gatdula habang si Jay Durias na lamang ang nag-iisang original member ng grupo which he co-founded in 1993.

Kung gugustuhin ni Jay ay kayang-kaya na niyang mag-solo, just like other singers na na­ging bahagi ng grupo o banda, pero nariyan pa rin umano ang clamor sa South Border na magtanghal sa iba’t ibang venue hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.  Pero may pagkakataon ding solo ring nagpi-perform si Jay tulad ng Playlist concert sa Big Dome kung saan ang mga performer ay nagmula sa iba’t ibang banda/grupo.

Samantala, magkakaroon ng part 2 ang Playlist: The Best of OPM concert sa Smart Araneta Coliseum sa darating na April 3 (Friday) at 8 pm kung saan isa sa mga featured performers si Jay.

Show comments