^

Pang Movies

Mayor Joy suportado ang franchise renewal ng ABS-CBN

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mayor Joy suportado ang franchise renewal ng ABS-CBN

Mas dumami pa ang nagpahayag ng suporta para ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Kahapon ay naglabas ng pahayag si Que­zon City Mayor Joy Belmonte na suportado niya ang panawagang i-renew ang contract ng Kapamilya Network bilang ito ay merong “long-standing relationship with the city that goes beyond its media identity.”

Dagdag pa niya : “By tradition, Quezon City is also known as a bastion of freedom, knowledge, and diversity, and the presence of multiple media networks in QC embodies these values.

“Aside from being one of our city’s top taxpayers, ABS-CBN employs thousands of our city’s constituents, whose families would suffer should its legislative franchise not be renewed.

“ABS-CBN shares our advocacy to educate the youth by building for us the Eugenio Lopez, Sr. Senior High School for Media Arts and has served as the main partner of our city’s street children prog­ram through the Bantay Bata 163 Children’s Village.

“The city has also entered into several partnerships with the late Gina Lopez in various projects, such as the cleaning of our waterways when the latter was head of the Pasig River Rehabilitation Commission. ABS-CBN’s Bantay Kalikasan is also our partner in protecting and preserving our La Mesa Ecopark,” sabi pa ni Mayor Belmonte.

Kabilang pa sa mga organisasyon na nagpahayag ng suporta ay ang Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) at Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI).

Ayon sa PAMI, malaking bagay ang serbisyo-publiko na inihahatid ng ABS-CBN sa mga Pilipinong nangangailangan.

Samantala, lubos ding nangangamba ang DGPI, isang grupo ng mga direktor, sa paghahain ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa ABS-CBN.

“Bilang mga gumagawa ng pelikula, isulong natin ang demokrasya at labanan ang anumang pagtatangka na patahimikin ang media at mga institusyon na tumutuligsa sa mga nasa kapangyarihan,” sabi ng DGPI.

Samantala, habang sinusulat namin ito ay may nagaganap na pagtitipon ang mga empleyado ng Channel 2 na ang hashtag ay #NoToABSCBNShutdown sa harap mismo ng network sa Quezon City. Lahat sila ay nakasuot ng red shirt.

Nauna nang nagpasalamat ang network na ikinakaba ng viewers nila.

James at Michela nagbalikan

Matapos mabalitang hiwalay na si James Yap sa partner niyang si Michela Cazzola, nanay ng dalawa niyang anak, magkasama naman sila sa picture ni James kahapon para sa Valentine greetings ng basketbolista.

So nagkabalikan ba sila?

Ethel Booba tinaon sa Valentine ang panganganak

Nanganak na kahapon si Ethel Booba.

Sumabay talaga siya sa Araw ng mga Puso. “Welcome to this world Little Booba. Charot!” tweet ng charot queen.

Non showbiz chef ang ama ng first baby ni Ethel.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with